View Full Version : Hello PAHLS
habitual
01-03-2009, 10:06 PM
1) Name : Lloyd Lopez
2) Location: SMH, Quezon City
3) Age: 20
4) Male or Female? : Male
5) Married with children? : Single
6) What do you do? Student or Profession? : Student
7) How long have you been keeping fish? : 7 years
8) How did you start in fishkeeping? : in 20gal, with goldfishes
9) What kind of fishes do you keep? : before : gar, gf, silver aro, flowerhorn, bichir, knifefish, TFB. now : african cichlids and goldfishes again.
10) What is your favorite ornamental fish and why? cichlids, any of them, because they are colorful fishes with manners.
11) How many tanks do you have? : 1 20gal QT, 1 50gal tangs, 1 50 gal GFs.
12) How did you know about mypalhs.com? by surfing the net, i suddenly stumbled here hehe. (i'm looking for the tips on how to do fishless cycle in phil.)
13) Do you know any member in PALHS? : yes wrx and squid.
14) What pet shops do you frequently visit? : sams lagoon, simplyfish and bioresearch.
15) Other interests or hobbies? swimming and eating hehehe.
habitual
01-03-2009, 11:07 PM
first fish ko ay, 10 small fancy goldfishes which lasted for 2 weeks when i was 13 yrs old. hehehe, then i bought a bearded dragon, that's what the store owner called them. it lasted for a month. then i bought a dragon fin which lasted for 2 mos. all of them died because i dont do water changes.. then i bought a small oscar. it lasted for almost 2 years. i do water changes this time, once a month full WC. i feed him kataba and worms. but he outgrow my tank and starts to feel weak when he cannot move around the tank because he is sooo biigg! and eventually he died several days. then i stop buying fishes, i said to myself that fishes are not for me.
After a year we moved from Bambang to our new house in QC. then 1 day, pauwi ako galing sa skul e may nadaanan akong pet shop. tapos nakakita ako ng mga isda, tinignan ko lang mga isda nila. then 1 fish caught my attention a small silver arowana. then umuwi na ako pero d ako makatulog. nanaginip pa ako at sa aking panaginip kinausap ako ng arowana sabi nya take me home! Ilang days din akong napapaisip nun dahil sabi ko baka pag bumili nanaman ako eh mamatay nanaman sya. kahit naman namamatayan ako eh nalulungkot parin ako sa kanila. syempre binili ko na rin yung aro dahil lagi ko syang nadadaanan dun sa pet shop. tinanong ko na rin dun sa owner kung paano alagaan yun ganun. so bumili din ako ng ohf saka powerhead tapos inalis ko yung substrate ng aquarium ko pati mga decorations. tapos nilagyan ko ng black na wallpaper yung likod.at nilinis ko yung 20gal ko. 3 1/2" palang yung arowana nun. it went fine naman. pero mabilis pala sya lumaki at naalala ko nanaman yung nangyari sa oscar ko na namatay dahil sa liit ng tank! so i bought another 50gallons! whew! nag simula ako sa maliit na aquarium at hindi ko akalain na bibili pa pala ako ng mas malaki pa! so nilagay ko sya don sa 50 gallons. as usual ndi ko panaman alam yung mga fishless cycle na yun eh kaya nilagay ko agad sya don sa tank. tapos yung 20g ko nilagyan ko ng spotted gr na maliit. ok naman yung aro dun sa new tank nya, tapos yung gar sa 20g ok din naman. pero after a year napansin ko yung gar parang kasing laki na agad nung arowana ko? kaya ayun nilipat ko din sya kasama ng arowana.
Naging mag kaibigan sila ng gar ko, sinamahan ko pa pala ng knife fish bali tatlo sila dun malalaki na din silang tatlo. naunang mamatay yung knife fish. ewan ko kung bakit. sumunod yung arowana, namatay dahil pag nag wawater change ako inaalis ko sila sa aquarium nilalagay ko sa timba. eh tumalon yung aro ko tapos kinagat ng rotweiller namin. ang lakas pala lumundag nun! namatay nanaman alaga ko! kakalungkot naman talaga nun! so yung gar nalang nag iisa sa 50 gal tank ko. malaki na rin sya eh halos hindi na sya maka ikot. forward and backward nalang ang langoy nya. tapos 1 day nilagyan ko sya ng 50 pcs na kataba including the water from the plastic. after 5 hours nakita ko ang daming patay na kataba sa tank ko! pati yung gar ko namatay din waaaahh!!! favorite ko pa naman sya! tigil nanaman ako sa pag iisda nun.
Tapos nauso yung flowerhorn, may mga naging classmate ako na nag aalaga ng flowerhorn pero mga juvys pa. so sabi ko sa sarili ko "this time aalagaan ko isa nalang para focus ako!" so there goes my ego, bumili ako ng small pink flowerhorn tapos nilagay ko nanaman sa 50 gallon tank ko. it went good kasi nga may konti na akong experience from my past pets. Lumaki din naman sya pati ulo at naging kulay red sya. Pati nga yung mga classmate ko bilib sila eh dahil yung kanila maliit ang ulo, sakin parang may lobo! ayun tuwang tuwa ako nun, iba pala pag inalagaan mo yung isda mo iba yung feeling! hindi ko sya pinapakain ng kataba. ayaw ko na ng kataba parang may lason minsan. SW, pellets at FBW lang pinapakain ko sa kanya. and then after 2 years, akala ko tama lahat ng ginawa ko sa isda ko, akala ko masaya yung isda ko sa ginagawa ko sa kanya, yun pala parang torture na yung ginagawa ko sa kanya, ngayon ko lang nalaman yun! Nagkaroon sya ng hole in the head. hindi ko naman alam gagawin ko dun kaya bumili ako ng metablue ba yon? tapos nilagay ko sa tank nya, andami ko pa ngang nilagay kasi kala ko the more the better, wala naman kasing instructions dun sa bottle e. ayun after 1 week lalong lumaki ang butas sa ulo nya, and then eventually namatay din sya huhuhuhuhu! baka multuhin nila ako, gawin nila akong isda! baka gawin nila sakin yung ginawa ko sa kanila which is ang akala ko ay tama!
Hindi nanaman ako nag alaga ng isda kasi ng laging palpak! tapos nung nag susurf ako sa net, naalala ko yung mga pets ko na namatay lalo na yun flowerhorn, gar at arowana ko. tapos nakita ko yung PAHLS. edi natuwa naman ako kasi may site pala ang philippines sa mga aquatic hobbiest! i've been in this site for almost 3 months na pero hindi pa ako nag reregister. nag babasa lang ako ng mga topics, helpful tips at mga kwento ng ibang forumers dito. at andami ko ng natutunan! which is lahat pala ng ginawa ko dati ay mali! kaya pala namamatay mga alaga ko eh dahil sakin, dapat pala pag nag aalaga ng kahit anong pets eh dapat mag RESEARCH ka, hindi pala pwede yung basta ka nalang bibili dahil gusto mo, dapat bago ka bumili ay isipin mo na agad ang future ng pets mo!
I followed lahat ng tips dito, i set up my aquarium again for fishless cycle for almost 2 mos. and the reading from my test kits in very good! may ganun pala sa aquarium! grabe yung mga nalalaman ko palang ways dati eh mga walang kwentang ways pala yun! I learned my lesson na, and I want to learn more from you guys, pasensya na mahaba yung post ko kasi ngayon ko lang na post ito, rereminisce ko lang yung nagyari sakin dati. para hindi ko na sya masyadong iniisip hehehe. pero syempre kailangan ko pa rin mag basa basa dahil kahit mga expert na sa fish keeping eh nag reresearch parin. mga master wag kayo makukulitan sakin ha! madami pa ako gusto malaman eh! Thank you sa lahat and many happy returns to every one! more power PAHLS!
wow may autobiography ng hobby, welcome kuya..☺
bikoy888
01-03-2009, 11:22 PM
welcome sir lloyd
habitual
01-03-2009, 11:46 PM
paano po ba mag delete ng post mga master?
squid
01-04-2009, 04:41 PM
Welcome po sir lloyd :) Nice meeting you yung isang araw :D
pipoy_macho
01-04-2009, 06:23 PM
Welcome to PALHS Sir Lloyd!
habitual
01-04-2009, 11:15 PM
thank you hehehe
vBulletin® v3.8.4, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.