PDA

View Full Version : gagambang kara kara

voltdomingo
09-01-2008, 07:12 PM
sinu meron? hehehehe. natuwa ako dun sa thread sa ppf eh.. kaya start din ako dito.. :D

balak ko na nga magpahuli sa mga bata samin eh. :D

Bosing
09-01-2008, 07:20 PM
Bakit bawal? Ako nag abang ulit ng mamang nagbebenta this weekend pero wala naman dumaan! hehe

voltdomingo
09-01-2008, 07:34 PM
Bakit bawal? Ako nag abang ulit ng mamang nagbebenta this weekend pero wala naman dumaan! hehe

alin ang bawal?

kratos14
09-01-2008, 07:37 PM
anu yung kara kara spider? yung nilalaban sa stick? yung mga nakaitira sa posporo? hehe

pazzaway
09-01-2008, 07:49 PM
anu yung kara kara spider? yung nilalaban sa stick? yung mga nakaitira sa posporo? hehe

un nga ata papi..

voltdomingo
09-01-2008, 09:01 PM
anu yung kara kara spider? yung nilalaban sa stick? yung mga nakaitira sa posporo? hehe

tumpak brader! :D hehehehe.

mEtalHeart
09-02-2008, 06:35 AM
astig to! naalala ko tuloy mga gagamba ko dati.. hehe

Bosing
09-02-2008, 08:54 AM
alin ang bawal?

Ay nahihilo na ata ako kagabi dito sa opis! sorry...

Anong balita may nabili ka?

sirkero_gwapo
09-02-2008, 09:52 AM
addict ako dito dati namumundok pa talaga ako para makahuli!

dryu
09-02-2008, 09:57 AM
gagambang bare bare,botchog..haaha! kakatuwa yan sir..

pdtrash
09-02-2008, 10:28 AM
inde kara kara tawag dito samin sa laguna gagambang tunay haha. kz meron pang isang klase yung sa bahay ang tawag gagambang bahay

Bosing
09-02-2008, 11:11 AM
Sa amin gagambang totoo! medyo malapit din pala sa Laguna. Ang pangderby ko noon ay gagambang mais... Kulay yellowish orange na black ang dulo ng mga kamay! Pabigla-bigla kung kumilos ang tawag ay nanunubok daw! hehe

Tapos bawal daw itulak sa tyan kasi maduduwag! hehehe

pdtrash
09-02-2008, 03:01 PM
Sa amin gagambang totoo! medyo malapit din pala sa Laguna. Ang pangderby ko noon ay gagambang mais... Kulay yellowish orange na black ang dulo ng mga kamay! Pabigla-bigla kung kumilos ang tawag ay nanunubok daw! hehe

Tapos bawal daw itulak sa tyan kasi maduduwag! hehehe

pag pa bigla bigla sumilos tawag samin robot aahahaha, pag tag ulan madami gagambang tunay, kaya lang yung kinukuhanan ko nung bata pa ako subdivision na

pazzaway
09-02-2008, 04:27 PM
sa bundok madami,, masarap "mangilaw" hehehe

topfavorite
09-02-2008, 05:01 PM
dati meron ako nyan sarapitik lang pinanglalaban ko haba ng galamay nun eh hehehehe..

voltdomingo
09-02-2008, 05:28 PM
sinu kaya meron satin ngayon nito? parang trip ko mag-alaga.. hehehehe.. :D

MONster Inc
09-02-2008, 05:47 PM
grabe naalala ko din mga alaga ko..... lasta ko nagkaganito nun nag worka ko sa subic 2002... field kasi likod at harap ng office namin kaya dami ko nakukuha nun, pati boss namin na kano pinaglaro ko ng gagamba hehehe... sarap nito pag alis ng boss ko nun lalabas na ko mga 5:30 huli muna ko tapos back to work... pang unwind ko pag pagod na isip ko kakadesign hehhee the good old days... favorite ko mga gagamba kuryente........ black... tapos gagmba sili yun mga pula tapang tignan....... dapat hindi botchogin kasi aanak... tapos maliit na cotton lalagyan ko pa gatas hehehe saya

dryu
09-02-2008, 08:53 PM
gagambang kuryente? diba po malalaki yun? hehehe

AsH
09-02-2008, 09:00 PM
gagambang kuryente..yun ba yung nahuhuli sa mga mataas na poste parang gagambang bahay yung itsura pero solid black lang..nung nasa elementary ako mahilig din ako dito...gusto ko yung tuldukin..yung may black spot sa tiyan

black snow
09-03-2008, 01:32 AM
anong gagamba ba talaga pinag uusapan dito? :D

pictures naman nyan?

whodoes
09-03-2008, 03:08 AM
eto yata yun

http://i198.photobucket.com/albums/aa305/whodoesbettas/Spider_fight_2.jpg

topfavorite
09-03-2008, 08:30 AM
yan na sinaputan na at pinishball na hehehe

dryu
09-03-2008, 08:31 AM
yun yon eh.. ^_^

dryu
09-03-2008, 08:31 AM
cotton candy na.. :lol:

Bosing
09-03-2008, 09:14 AM
Naku nagpakita pa ng photo... kakamiss tuloy! Pagandahan pa ng mga lalagyan dati!

Yun champion ko wala talagang nakatalo sa kanya pero bumagsak sa galing ng mga langgam!!! bwiset na mga langgam! hehe

chef suksid dubai
09-03-2008, 09:20 AM
Para sakin yung panlaban ko yung gagambang talahib at gagambang kuryente(di yung malalaking typical nanaksabit sa mga kuryente ah) black velvet ang buong katawan at pula yung mga galamay..Astig yan!

Bosing
09-03-2008, 09:46 AM
Para sakin yung panlaban ko yung gagambang talahib at gagambang kuryente(di yung malalaking typical nanaksabit sa mga kuryente ah) black velvet ang buong katawan at pula yung mga galamay..Astig yan!

Chef, ok nga yang kuryente pero ang hirap din makakita! Karamihan talahib yun parang may ilong ni Voltes 5 sa likod... Tapos yun 'tala' or star. Sabi pa nila may lason daw kaya wag ipakain.

Dati nun bata pa ako panlaban ko gagambang bahay, yun kasi ang madami sa amin. Nagtataka ako bakit laging talo... kaya pala! hehehe

MONster Inc
09-03-2008, 10:03 AM
hehehhe may pics na nga kaya lagn parang medyo malnourish yan mga yan baka kakaitlog lagn heheheh. Pareho kami ni chef ng panlaban hehehe labanan na tayo.....

whodoes
09-03-2008, 10:41 AM
Chef, ok nga yang kuryente pero ang hirap din makakita! Karamihan talahib yun parang may ilong ni Voltes 5 sa likod... Tapos yun 'tala' or star. Sabi pa nila may lason daw kaya wag ipakain.

Dati nun bata pa ako panlaban ko gagambang bahay, yun kasi ang madami sa amin. Nagtataka ako bakit laging talo... kaya pala! hehehe

oo malakas ren yung yung parang may ilong ni voltes 5 sa likod hehehe. ok ren gagambang bayabas , kuryente at mais.

voltdomingo
09-03-2008, 06:48 PM
anong gagamba ba talaga pinag uusapan dito? :D

pictures naman nyan?

gagambang pambata. :D hehehehe. at isip bata. :D sa sabado sana makahuli na yung anak nung labandera namin. :D

voltdomingo
09-03-2008, 06:49 PM
waaaah!!! may pics na!!! galing o! sinupot na ang kalaban!

sirkero_gwapo
09-03-2008, 09:40 PM
eto mga naalala kong mga tawag sa mga ito

mga panlaban:

gagambang kuryente, gagambang mais, gagambang suwag kabayo, gagambang tala(pero may lason subok na ito haha), gagambang sampayan, gagambang intsik,

iba pang mga gagamba:

gagambang talon, gagambang bahay, gagambang ekis ( eto yung madalas sa kuryente), gagambang kuba, gagambang demonyo, gagambang melon, gagambang sarapitik, gagambang lason, gagambang tubig, gagambang banyo, gagambang ogoy-ogoy, gagambang pari

ang dami kong nakalimutang mga tawag! nakakamiss nga ito! minsan nauuso pa dito yan eh!

sirkero_gwapo
09-03-2008, 09:46 PM
at napakadami ding pamahiin!

maduduwag kapag tinutulak sa ****, pag pinapakain ng gagambang bahay, pampatapang naman pag nangitlog ang gagamba ay susunugin ang itlog, paglalagay ng dahon ng sili, tas pag may katis(nakagat ng kapwa gagamba) lagyan dapat ng dahon ng nginuyang dahon ng bayabas, hihipan para makatulog ang gagamba

DaveVid
09-04-2008, 01:28 AM
sinu kaya meron satin ngayon nito? parang trip ko mag-alaga.. hehehehe.. :D

heheheheh uso po dito sa amin yan sa malabon dumadayo pa kami ng Gradas sa navotas para lumaban ahahahahahahah galing pa ng may bucaue bulacan binibile ko medyo mataas nga lang kasi unang sungkit ka pero sure ka doon puro class A talaga uso na ba sa inyu yan mga sir dayo kayo sa amin kahit kakasin ang gagamba laban agad pero balikatan lang, yung mananalo namin dinadayo namin.:devlish:

DaveVid
09-04-2008, 01:34 AM
Ang trip ko sa Gagambang totoo yung Dilaw na medyo maberde mais tawag sa kanila tapos magaspang, makapal yung pata, kipkep , sakto yung tiyan medyo bilugan para malakas sa akapan for sure malakas resistensya nun! yung pulahan na talaan dito sa amin naka 7wins na wala pa talo mamaw na pinutulan ng pata yung bulik ko nyay sobrang tapang talaga may araw din sa akin yun mahusay kasi yung lolo ng may alaga halos lahat ng pang laban niya beterano.

DaveVid
09-04-2008, 01:41 AM
eto yata yun

http://i198.photobucket.com/albums/aa305/whodoesbettas/Spider_fight_2.jpg

mukang kaiitlog lang eheheheeheheh stress pa yung porma ng katawan kulang pa sa kondisyon:lol: thanks for sharing wish me luck sa mga gagamba ko ilalaban sa saturday!:mellow:

Bosing
09-04-2008, 09:46 AM
at napakadami ding pamahiin!

maduduwag kapag tinutulak sa ****, pag pinapakain ng gagambang bahay, pampatapang naman pag nangitlog ang gagamba ay susunugin ang itlog, paglalagay ng dahon ng sili, tas pag may katis(nakagat ng kapwa gagamba) lagyan dapat ng dahon ng nginuyang dahon ng bayabas, hihipan para makatulog ang gagamba

hehe korek! sobrang daming kung ano-anong alam natin na nakuha lang din sa kalaro na nakuha din lang sa mga kwento kwento! lagi akong napapagalitan kasi hindi ako umuuwi for lunch kakahanap ng gagamba!

Excited ka dahil sabado na at nasa labas na lahat ng mga bata!

huges
09-04-2008, 09:54 AM
daming nagtitinda nito samin sa may simbahan at sa elementary school.... sarap talagang dumayo ng pustahan... gusto ko yung dilaw sabi nila mura pa daw yung kaya ginagawa ko intayin ko magdark yung kulay nya bago ko ilaban... gagambang mais ata tawag dun.... 30-70 pesos ata ang mga pangderby.... tapos yung mga pangbata naman 3 to 15 pesos lang din....

tagak
09-04-2008, 10:39 AM

sir taga saan kaba? mapuntahan nga at makabili ng mga gagamba jan. nung bata rin ako madami din kaming nahuhuli sa bukid pero ngayon wala nang bukid puro subdivision na kaya siguro ubos narin ang mga gagambang tunay dito samin.
dati sa may school malapit samin may nagbebenta rin kaso ngayon wala na.:(

BalDog
09-04-2008, 10:50 AM
astig to! alala ko dati na gusto kong panlaban *** tala.kasi astig design sa likod may dot sa likod.dami sa pasay niyan..

Bosing
09-04-2008, 10:57 AM
Madami talagang fans ang mga gagambang totoo dito sa forum! etong hilig na ito ang nag-push sa akin pasukin ang Tarantula hobby... Medyo tumaas ng kaunting level... pero hindi pwede paglabanin mahal e. hehe

sirkero_gwapo
09-04-2008, 01:11 PM
dito sa taytay meron pa minsan eh ewan ko lang ngayon at hindi ako masyado nakakatambay! hindi ko na alam bentahan ngayon! nung elementary ako 30-50 pesos pang derby na yun! tas 5-20 pesos yung mas maliit pero quality na din! ewan ko lang yung mga presyo ngayon. dati kasi madali lang manghuli madaming bundok at bukid dito samin dati sa isang gabi makakahuli ka ng mahigit 20 pcs siguro ngayon mahirap na talaga

dragonslayer671
09-04-2008, 02:38 PM
Noong mga bata kami marami pa sa amin sa laguna madaling mang huli susundan mo lang yung sapot at pag nakakita ka ng nakatiklop na dahon ayun doon sila nagtatago pag umaga at madalas sa gabi lang nalabas. Pero ngayon mukhang dina pansin sa amin ng mga bata ang larong ito, una iba na ang mga hilig nila puro computer games na pangalawa yung mga dating bukid na madalas pag kuhanan namin kung hindi subdivision na industrial area na. Haaayy nakakamiss ang kabataan he he he

huges
09-04-2008, 06:42 PM
sir taga saan kaba? mapuntahan nga at makabili ng mga gagamba jan. nung bata rin ako madami din kaming nahuhuli sa bukid pero ngayon wala nang bukid puro subdivision na kaya siguro ubos narin ang mga gagambang tunay dito samin.
dati sa may school malapit samin may nagbebenta rin kaso ngayon wala na.:(

meycauayan, bulacan sir... medyo malayo nga lang...

voltdomingo
09-04-2008, 09:38 PM

uy, pag makapunta ka, papabili din ako sayo. :D

voltdomingo
09-04-2008, 09:39 PM
Madami talagang fans ang mga gagambang totoo dito sa forum! etong hilig na ito ang nag-push sa akin pasukin ang Tarantula hobby... Medyo tumaas ng kaunting level... pero hindi pwede paglabanin mahal e. hehe

parang dapat sa kanila bananaque stick, para upgrade din sa stick. :D

Bosing
09-05-2008, 04:35 PM
May nakabili na ba ng Derby Spiders? Post naman pics oh.

Parang mga ganito sana...
http://farm1.static.flickr.com/195/441414707_bad071a518.jpg?v=0

http://farm1.static.flickr.com/211/1508849627_1e5d91b22c.jpg

Eto ang galamay!!!
http://img211.imageshack.us/img211/9850/bsx4605rm.jpg

http://entomology.unl.edu/images/spiders/neoscona_hentz3.jpg

Bosing
09-05-2008, 04:47 PM
Scientific nama ata nila is

Neoscona Hentzi or

Araneus cavaticus

MONster Inc
09-05-2008, 05:30 PM
guys eto naalala nyo? Gara pitik

http://monsterinc.tabulas.com/gallery/gagamba/

eto naman nakita ko sa you tube

http://www.youtube.com/watch?v=3HdDKDoz2K8
http://www.youtube.com/watch?v=SMpl37v_J3g&feature=related

eto pisbol na
http://www.youtube.com/watch?v=0j4CiUUQkdA&feature=related

DaveVid
09-05-2008, 07:20 PM
Ganda ng 1st and 4th pics wow gaspang na katawan bossing! grey na bulik and yung isa laon na gagambang talahib! Thanks for sharing bossing sayang wala ako can para picturan ko yung mga pang derby ko dayo kayu sa amin sa malabon!

topfavorite
09-05-2008, 07:41 PM
magpapahuli na lang ako sa kasamahan ko nyan sa probinsya nila dami daw sa kanila nyan hehehe paglalabanin namin sa trabaho hehehe..

blackmantra
09-06-2008, 11:23 AM
dami niyan dito sa batangas...
season na naman eh...
yung mga bata tuwing gabi me mga dala flashlight para manghuli...hehehe
libangan ko rin yan nung bata pa ako eh...
kahit nung college na ako kasama ko mga kabarkada at kapatid ko
para lang manghuli sa gubat kahit gabi na...:)

bRaTh
09-06-2008, 11:49 AM
nice topic! ! ! maganda talaga alalahanin ang mga larong bata kagaya nito..sobrang tipid pa ako para makabili lang ako ng hi grade na gagamba.mas maganda pag galing ako probinsya sa plaza ng simbhan.pag linggo dame tao ng pupustahan na agad..haaaaay those were the days....:p

voltdomingo
09-06-2008, 11:51 AM
unga eh. grabe pustahan sa ganito nung elem hanggang early hi skul.. :D

Jesto
09-07-2008, 11:10 AM
meycauayan, bulacan sir... medyo malayo nga lang...

Saan sa Meycauayan?

voltdomingo
09-07-2008, 11:17 AM
Saan sa Meycauayan?

ayan na.. dadayo na si sir jesto.. lalaban na.. :D

Bosing
09-08-2008, 09:19 AM
Up lang... mga gagamba enthusiasts... hehe

voltdomingo
09-08-2008, 09:08 PM
Up lang... mga gagamba enthusiasts... hehe

tsk, wala pa ako gagamba.. nakakita ako, pero anliit eh, pinakawalan ko.. gusto ko yung kaya pumatay na ng tutubi. :D

Bosing
09-09-2008, 08:51 AM
Pabili ka na lang daw pre!

beef
09-09-2008, 09:02 AM
mga dude kung gusto nyo nang malulupit na gagambang

derby mag field trip kayo sa pasay. pag uwian na ng mga

elementary at highschool may mga tumpukan na ng mga bata

sure na gagamba na ang pinag kakaguluhan...

yrret
09-09-2008, 09:10 AM
gagambang tunay yan dito sa laguna & adik po ako dyan dati... :D

may isang specie ang gagambang yan na may 2 sungay like sa likod & hangang nagyon takot pa rin ako hawakan yung may sungay sa likod.. parangg kinikilabutan ako dahil sa itsura :D

voltdomingo
09-10-2008, 07:58 PM
Pabili ka na lang daw pre!

incoming na. :D hehehehe. sinu lalaban? kita tyo sa carti sa weekend! :D

voltdomingo
09-10-2008, 07:59 PM
gagambang tunay yan dito sa laguna & adik po ako dyan dati... :D

may isang specie ang gagambang yan na may 2 sungay like sa likod & hangang nagyon takot pa rin ako hawakan yung may sungay sa likod.. parangg kinikilabutan ako dahil sa itsura :D

ito ba yung tungko? yung parang may shell? :D

papalon
09-10-2008, 10:07 PM
hahahhaa! ayus topic na to..sige manghuhuli ako..tagulan na kaya labasan na ulit..tawag dito sa amin nyan ay "botogs"..hehehehe! kapag nakakuha ko post ko agad..

huges
09-10-2008, 10:11 PM
ito ba yung tungko? yung parang may shell? :D

hahaha tungko nga yun bro..... duwag lang yan pero kapag nilaban mo at nasaputan tanggalin mo lang yung sapot buhay ulit yan...

huges
09-10-2008, 10:14 PM
Saan sa Meycauayan?

sa bayan lang sir... sa tabi ng dating municipal hall... sa church po sa gilid maraming mga oldies dun na nakaumpok mahahalata nyo lang dun....

Bosing
09-11-2008, 04:01 PM
still searching... not finding... haaaay. Kailan kaya dadaan yung manong. hehe

Jesto
09-11-2008, 04:16 PM
sa bayan lang sir... sa tabi ng dating municipal hall... sa church po sa gilid maraming mga oldies dun na nakaumpok mahahalata nyo lang dun....

Thanks. How far is that from Libtong? Magkano na nga pala bentahan ngayon?

dirk14
09-11-2008, 04:18 PM
pwede avic. sp sa derby.. yung sling sure win yun hehehe

whodoes
09-11-2008, 04:33 PM
ito ba yung tungko? yung parang may shell? :D

yun nga yata, samin gagambang demonyo tawag nila

voltdomingo
09-11-2008, 05:22 PM
hahaha tungko nga yun bro..... duwag lang yan pero kapag nilaban mo at nasaputan tanggalin mo lang yung sapot buhay ulit yan...

parang punching bag pala eh.. pang training... :hysterical:

Bosing
09-11-2008, 05:31 PM
Eto pa oh...

http://www.perfectpeacefarm.com/Images/barnspider.jpg

http://k43.pbase.com/o6/48/47148/1/84897922.YfZoq3dB.P9021584copy.jpg

http://farm1.static.flickr.com/203/441414741_7a970f5b2f.jpg?v=0

pazzaway
09-11-2008, 06:32 PM
Eto pa oh...

http://www.perfectpeacefarm.com/Images/barnspider.jpg

http://k43.pbase.com/o6/48/47148/1/84897922.YfZoq3dB.P9021584copy.jpg

http://farm1.static.flickr.com/203/441414741_7a970f5b2f.jpg?v=0

eto ang galamay bosing.. hehe

Bosing
09-12-2008, 09:18 AM
eto ang galamay bosing.. hehe

Pero malamang manalo yun nasa kanan. Mahaba din galamay tiklop pa lang. Mas malakas puwersa nya macho eh. hehe

bongz28
09-12-2008, 09:40 AM
dun nga po sa meycauayan talaga madami nyan,nakapanuod na din ako dun,na-addict din kasi ako dyan dati,kahit tiga dito aku sa UP Village talagang dumadayo ako ng bulacan para bumili at makipagpustahan sa derby,nakilala ko na nga dyan si Tatang De Vega yung tatay ni Lydia De Vega,si tatang ang my pinaka maraming pang derby yung ibang gagamba galing pa din ng bisaya para lang ilaban at kay tatang nga binabagsak yung mga gagamba,tapos minsan sa ibang lugar pa ang laban ng gagamba,minsan dun din sa gilid ng simbahan,ngayon panahon na naman ng gagamba sigurado marami na naman mga naka pwesto dun,andun lahat ng malulupit.

bRaTh
09-12-2008, 10:47 AM
mga dude kung gusto nyo nang malulupit na gagambang

derby mag field trip kayo sa pasay. pag uwian na ng mga

elementary at highschool may mga tumpukan na ng mga bata

sure na gagamba na ang pinag kakaguluhan...

haha di kaya magmukha taung isip bata at nakikipag agawan pa sa tindahan nila?:lol: peace!

pops_cycle
09-12-2008, 11:07 AM
i remember the time nung naghahanap pa kami ng ganyan. sa gabi pa. me dalang flash light o kaya candle na asa lata. sarap maghunt pag gabi. dami nahuhuli.

yung mga galing sa palay at mais known to be matatapang wag lang masusugatan. pag nasugatan na kasi madali manghina. yellowish color nila.

pinakaduwag pero pinakamatibay sa naman sa laban yung mga galing sa puno. gagambang mangga, santol, etc.

pinakamatapang na gagamba at pinakamatibay yung galing sa damo. meron sa batangas tawag namin gagambang suwag kabayo.

kakamiss yan ah. sa amin hunting season ngayon ng gagamba.

tagak
09-12-2008, 11:13 AM

pops jan sa inyo sigurado maraming pang ganyan.:D
sana may makukunan tyo ng ganyan tapos kitakita tyo para lang maglaban mga gagamba natin hehehe

Bosing
09-12-2008, 11:34 AM
Someone can go get a couple of spiders, then we meet up. Each will buy a piece or two and then tournament style. For Adults only. haha

Sino kaya ang may mahahanap na source?

switchjs180
09-12-2008, 11:49 AM
haha nung bata ako sa grade school kinocollect ng teacher namin yan. tapos makita kita namin nasa anak na nyang grade school din. hehe i miss that though

Bosing
09-12-2008, 11:56 AM
haha nung bata ako sa grade school kinocollect ng teacher namin yan. tapos makita kita namin nasa anak na nyang grade school din. hehe i miss that though

hmmm... pareho ata tayo ng teacher ah! hehe :confused:

voltdomingo
09-13-2008, 03:55 PM
Someone can go get a couple of spiders, then we meet up. Each will buy a piece or two and then tournament style. For Adults only. haha

Sino kaya ang may mahahanap na source?

tara na! :D

markibale16
09-15-2008, 12:36 PM
sino meron tinda?? laban tayu hahaha.....

Bosing
09-15-2008, 01:01 PM
naghahanap pa po ng magbebenta... hehehe para matuloy na tong derby meet up!

papalon
09-15-2008, 01:19 PM
mga bro san ang tupada ng gagamba?

fishbone101
09-15-2008, 02:37 PM
samin may nagbebenta.. hehe pwede ba garapitik? o sarapitik? hehe

tagak
09-15-2008, 06:49 PM
mga pre may alam akong makukuhaan.

game kayo? bili tayo den trip trip lang paglalabanin natin!
or kita kita nalang tayo sa isang place tapos dun natin paglabanin yung mga gagamba natin.

Bosing
09-15-2008, 07:48 PM
mga pre may alam akong makukuhaan.

game kayo? bili tayo den trip trip lang paglalabanin natin!
or kita kita nalang tayo sa isang place tapos dun natin paglabanin yung mga gagamba natin.

Yun na nga idea ko. Kita kits. Saturday. Set the place and time. Mag lunch tayo somewhere!

switchjs180
09-15-2008, 07:55 PM
sarap ng trip na yan!

taba
09-16-2008, 04:38 PM
lalaki ba tong yung mga ganito kagaya ng t's? naloko din ako nito dati

voltdomingo
09-17-2008, 12:01 AM
mga pre may alam akong makukuhaan.

game kayo? bili tayo den trip trip lang paglalabanin natin!
or kita kita nalang tayo sa isang place tapos dun natin paglabanin yung mga gagamba natin.

Yun na nga idea ko. Kita kits. Saturday. Set the place and time. Mag lunch tayo somewhere!

pwede ba sunday? may bowling game gf ko sa saturday eh, wouldnt want to miss it pero ayaw ko rin maka miss ng gagambakbakan. :D

dryu
09-17-2008, 10:38 AM
Mga sir meron ba nagbebenta nyan dito sa laguna? yung medyo malaki ng konti para nananapot! hahaha! makabili!

Bosing
09-24-2008, 08:56 AM
Ano na nangyari dito mga gagamboys?

tagak
09-24-2008, 01:52 PM
Ano na nangyari dito mga gagamboys?

pre nawala yung nagsusupply ng gagamba dun sa skul na kukuhaan ko.
may student daw kasing nakagat ng gaganda sya ang sinisi hindi na tuloy nagbenta.:(

wince24
09-24-2008, 03:50 PM
baka maging spiderman yung nakagat bro..

bRaTh
09-25-2008, 08:37 AM
baka maging spiderman yung nakagat bro..
ahaha
oh sinu na nakahanap?! tara habang panahon pa ng gagamba!

voltdomingo
09-25-2008, 09:35 AM
wawa naman yung tindero.. baka naman kasalanan nung bata kaya siya nakagat.. tsk tsk...

wince24
09-25-2008, 09:50 AM
try ko magtingin dito sa mga school malapit sa amin.....alam ko meron din naglalako nun dito sa lugar namin eh nde ko lang matyempuhan, yun bang nagpapabunot din ng mga sisiw,maya saka itik...

topfavorite
09-25-2008, 01:33 PM
wince baka naman maging spiderman ka din hehehehe....

eleus
09-26-2008, 02:56 PM
wala pa po "botogs" ngayon eh.. hindi po ako makahanap ngayon.. katuwaan ko po dati yan nun kabataan eh..

russman
09-26-2008, 03:36 PM
Ako din trip namen ng mga friends/kababata ko to. Pwede bang isali sa mini-derby nyo yung nahuhuli sa mga bakanteng lote? Dati kasi may nahuli kmi ng friend ko dun ang hirap talunin. Pero bata pa ako nun, but nandun pa din yung bakanteng lote. :)

wince24
09-27-2008, 06:12 PM
wince baka naman maging spiderman ka din hehehehe....

naku pre kung alam mo lang nung bata pa ako lokong loko ako dyan, nung nasa baguio pa ako nakatira ang dami ko nahuhuli sa mga puno puno dun malapit sa bahay namin, kaso lang ang problema wala ako makalaban, ako lang yata bata dun sa lugar namin eh....

peng
09-27-2008, 07:39 PM
naalala ko nahuli ako ng assistant prinipal nga bumibili ng gagamba
sa labas ng gate ng la salle ginawa akong sample para wag pamarisan,iyak ako eh!:lol:

tagak
10-08-2008, 10:24 AM
pwede ba sunday? may bowling game gf ko sa saturday eh, wouldnt want to miss it pero ayaw ko rin maka miss ng gagambakbakan. :D

pre ano na balita dito meron na ulit akong makukuhaan ano kailan tayo mag kikita kita?
set nyo.

eleus
10-08-2008, 04:43 PM
naalala ko nahuli ako ng assistant prinipal nga bumibili ng gagamba
sa labas ng gate ng la salle ginawa akong sample para wag pamarisan,iyak ako eh!:lol:

hahaha! may nagbebenta pala nuon sa lasalle.. hehehehe.. winning line na ang botogs na tig-40php sa gate ng school ko dati eh.. hehehe.. kaAdik magbotogs..:lol:

DaveVid
09-15-2010, 10:20 PM
Mga idol pwede magtanong kung saan ako makakabile ng gagambang kara kara uso rin ba sa inyu to? kasi uso dito sa malabon kaso maliliit yung nabibile ko and yung iba napagpilian na...

huges
09-16-2010, 01:04 PM
Mga idol pwede magtanong kung saan ako makakabile ng gagambang kara kara uso rin ba sa inyu to? kasi uso dito sa malabon kaso maliliit yung nabibile ko and yung iba napagpilian na...

meron sa meycauayan sa bayan malapit sa simbahang bayan

DaveVid
09-16-2010, 08:43 PM
meron sa meycauayan sa bayan malapit sa simbahang bayan

marami ba dun sir baka this sunday pumunta ako dun:lol:

edyc08
09-16-2010, 09:59 PM
nalala ko tuloy uwe pa ko bulacan para manghuli sa palayan saka sa mga puno puno doon hehehe...

benta ko 30-70 hehehe...
pagandahan pa ng lalagyan dati

madsky
09-19-2010, 07:25 PM
haha me derby dinj ba dyan sa manila ng gagamba?

samin madami derbihan rito. gaganda ng oversize na gagamba. hehehe

share ko lang gagambang pang derby ko :-)
http://i178.photobucket.com/albums/w270/madskyiii/DSC05992.jpg
http://i178.photobucket.com/albums/w270/madskyiii/DSC05989.jpg
http://i178.photobucket.com/albums/w270/madskyiii/DSC05987.jpg
http://i178.photobucket.com/albums/w270/madskyiii/DSC05985.jpg

Bosing
09-23-2010, 10:01 AM
Ang paborito ko yun gagambang mais. Yun pag maglakad parang mr. roboto! hehe ang sabi nga nung mga bata kami eh nanunubok daw!

mEtalHeart
09-25-2010, 06:27 PM
uso nanaman ito ulit eh! nung isang linggo nga may binalitang bata na pinatay niya yung kaibigan niya dahil sa derby ng gagamba. tsk tsk, naalala ko tuloy yung gagambang palay ko na si "9" ang pinakamalupit ko!

madsky
09-25-2010, 07:27 PM
dito sa bahay dami ko pa gagamba. kaya walang dengue dito hehehe

DaveVid
09-25-2010, 09:34 PM
kabibili ko lang sa 1000pieces na spider last week sa meycuayan bulacan near sa church halos 50pieces lang yung napile ko yung iba binigay ko nalang sa friend ko pwede ko na sila ilaban thanks "huge" sa pagturo ng location ng bilihan^_^

huges
09-26-2010, 11:23 AM
kabibili ko lang sa 1000pieces na spider last week sa meycuayan bulacan near sa church halos 50pieces lang yung napile ko yung iba binigay ko nalang sa friend ko pwede ko na sila ilaban thanks "huge" sa pagturo ng location ng bilihan^_^

ayus yan sir... dati kasi nakikipagpustahan din ako... kaso ngayon busy na sa trabaho kaya wala ng time para sa mga pustahan at di ko na din alam kung saan ang mga labanan...

apooh
09-26-2010, 05:08 PM
Haha ayos.. ako naman me 100+ na malalaki hehe pero di ko pinang lalaban. nakakatuwa lang pakainin padumihin at painumin :)

madsky
09-27-2010, 08:22 AM
cnu ba meron dito oversized na gagamba. yung isang gagamba lang kasya sa isang posporo na lalagyan. or mas mahigit pa dun.pls pm me.

Marloneng
09-27-2010, 11:42 AM
daming gagamba dito, bilis pa ng bintahan...iwas lang sa mga pulis kasi hinuhuli minsan hehehe

tagak
09-27-2010, 01:40 PM
hehehe panahon ng gagamba ngayon last 2 week nasa boracay ako yung mga bangkero dun nag lalaban sila ng gagamba malakihan ang pustahan umaabot ng 2k hehehe

akalako kung bakit sila nag uumpukan yun pla nag llalaban ng gagamba hehehe.:D

henri
09-28-2010, 02:12 PM
madame nyan dito sa isabela, usually sa maisan kunikuhanan dito, hehe, nagpapakuha ako lagi tapos kalaban ko pinsan kong bata wahaha...

Bosing
09-28-2010, 03:39 PM
Nung sunday may nagdala sa amin. Bumili ako ng apat. Pinakawalan ko sa bakuran. For 2 nights I tried to look for them pero wala na sila. San kaya nagpunta?

DaveVid
09-28-2010, 03:45 PM
Nung sunday may nagdala sa amin. Bumili ako ng apat. Pinakawalan ko sa bakuran. For 2 nights I tried to look for them pero wala na sila. San kaya nagpunta?

kinain na siguro ng butike bossing akin din kasi painakawalan ko dahil na pinkaw yun kamay sa laban kaso dina sya gumawa ng web sa garden i think dead na siya:(

DarrenChing
11-06-2010, 08:25 PM
san po ba makaka bili ng mga ganyan gagamba? parang kursunada ko ulet bumili ng mga ganyan. hehehe ^^

ramen11209
03-08-2011, 08:07 AM
mga bro buhayin natin tong thread na ito..ako kahit college na din nakikipag laro sa bata pagdating jan..hehehe..sa bulacan at cavite daw madaming nagpupustahan nga ganto..