PDA

View Full Version : Bonsai hobbyist

Pages : 1 2 3 4 5 [6] 7 8 9 10 11

GRAYMANN
09-10-2009, 12:44 PM
http://a href="http://s601.photobucket.com/albums/tt92/KayGray/?action=view&current=Powerpuff-Girls-cn08.jpg" target="_blank"><img src="http://i601.photobucket.com/albums/tt92/KayGray/Powerpuff-Girls-cn08.jpg" border="0" alt="bubbles"></a>

GRAYMANN
09-10-2009, 12:45 PM
just testing on posting pictures..:p

bambino2
09-11-2009, 03:47 PM
ay ganon sige actually gusto ko lang kasing pag-aralan ito kaya gusto kong malaman kung pupuede sya sa ganong paraan. Pang experience lang ba :)

zen888, makakapunta ako sa UP bukas. Iwanan ko na lang doon yung religiosa pati bluebell.

bambino2
10-12-2009, 12:16 PM
Check niyo ito How to create a beautiful Forest Style Bonsai from cuttings (http://sandevbonsai.blogspot.com/2009/03/ostrya-carpinifolia-11-trees-forest.html)

beepbeep
10-17-2009, 10:24 AM
Mga bro saan pinakamagandang pumunta para bumili ng materials? Hinahanap ko Causarina equisetofolia (aguho?), Premna (Alagaw), Vitex parviflora (Tugas sa bato, molave), Podocarpus macrophyllus (Buddhist pine), Maba buxifolia (Bantulinao) pati Vitex sp. (Mulawin daga).

bambino2
10-18-2009, 10:51 AM
Bro sa may C.P. Garcia ang bilihan ng materials. Sa Aguho bihira pag may dumating ay nabibili kaagad, Molave bihira magkaroon dito sa metro manila, podocarpus naman bihira rin kung meron man mataas ang price. Meron pinapabenta na malalaking podocarpus sa UP bonsai garden na may porma na (bonsai na hindi na meterials). Siyempre malalaki at ayos na kaya mataas ang price. Kung materials ng podocarpus wala kang makikita sa ngayon dahil bihira magkaroon. Paisa-isa tapos nabibili rin kaagad. 2 years na akong naghahanap ng magandang podocarpus material wala pa akong nakita ng nagbenta ng material :) Alagaw meron iilan na materials na mabibilang mo sa kamay pero malamang di mo magustuhan Kasi di maganda :) Bantulinao bihira rin pero subukan mo kay Danny or kay Bernard kung meron pang available. Slow grower ang bantulinao baka mabagot ka sa kakaalaga niyan :)

Sa mulawin daga marami kang mapagpipiliaan na materials sa CP Garcia. Itanong mo kung saan ang pwesto ni Bernard marami dun.

angelo
10-21-2009, 08:36 PM
hello

bago lang po ako member. tanung ko lang po kung san nakakbili ng bonsai tool set na medyo mura?

thanks

bambino2
10-23-2009, 06:54 AM
hello

bago lang po ako member. tanung ko lang po kung san nakakbili ng bonsai tool set na medyo mura?

thanks

Sa ebay 29 Piece Bonsai Tools Kit (http://cgi.ebay.com/Brand-New-29-Piece-Bonsai-Tools-Kit_W0QQitemZ230355531846QQihZ013QQcategoryZ303QQs sPageNameZWDVWQQrdZ1QQcmdZViewItem)

beepbeep
10-27-2009, 10:46 AM
Bro sa may C.P. Garcia ang bilihan ng materials. Sa Aguho bihira pag may dumating ay nabibili kaagad, Molave bihira magkaroon dito sa metro manila, podocarpus naman bihira rin kung meron man mataas ang price. Meron pinapabenta na malalaking podocarpus sa UP bonsai garden na may porma na (bonsai na hindi na meterials). Siyempre malalaki at ayos na kaya mataas ang price. Kung materials ng podocarpus wala kang makikita sa ngayon dahil bihira magkaroon. Paisa-isa tapos nabibili rin kaagad. 2 years na akong naghahanap ng magandang podocarpus material wala pa akong nakita ng nagbenta ng material :) Alagaw meron iilan na materials na mabibilang mo sa kamay pero malamang di mo magustuhan Kasi di maganda :) Bantulinao bihira rin pero subukan mo kay Danny or kay Bernard kung meron pang available. Slow grower ang bantulinao baka mabagot ka sa kakaalaga niyan :)

Sa mulawin daga marami kang mapagpipiliaan na materials sa CP Garcia. Itanong mo kung saan ang pwesto ni Bernard marami dun.

Thanks sa info, pero alam ko na yung sa CP Garcia. Masarap nga tumingin-tingin dun. Meron pa bang ibang lugar, kahit hindi sa Metro Manila?

bambino2
10-28-2009, 07:11 AM
Sa Tanay Rizal meron dun sa may highway kaso hindi ko pa napuntahan.

beepbeep
10-29-2009, 12:55 PM
Nako di ko pa naman kabisado ang Tanay. Aling highway at banda saan kaya iyon? Masayang pumunta ng mga bagong lugar kaya baka puntahan ko na rin :D

bambino2
10-29-2009, 09:08 PM
Bro may mga materiales ng kamagong sa CP garcia. Nakita ko kanina. Malalaki! Puntahan mo si Bernard alam mo naman unahan ang pagpili at pagbili sa kamagong.

Yung sa Tanay, sa highway lang raw pagkatapos ng arco. Siguradong raw makikita pag dumaan doon.

angelo
11-05-2009, 07:10 PM
san po nakakabili ng terra cota pots for bonsai, dito sa manila?

bambino2
11-07-2009, 11:51 AM
san po nakakabili ng terra cota pots for bonsai, dito sa manila?

Sa Green2000 located inside Manila Seedling Bank. Imported at magaganda kaya medyo mataas ang price.

Nashyboy
11-07-2009, 04:48 PM
Sa Tanay Rizal meron dun sa may highway kaso hindi ko pa napuntahan.

intrude lang ako bro, newbie sa bonsai hobby. mura dun at maayos naman kausap just bought a molave may mga strings pa pero sabe almost done na daw.

hinge sana ako tips mula sa inyo.

bambino2
11-08-2009, 08:00 AM
intrude lang ako bro, newbie sa bonsai hobby. mura dun at maayos naman kausap just bought a molave may mga strings pa pero sabe almost done na daw.

hinge sana ako tips mula sa inyo.

Bro taga tanay ka ba? Gusto ko sanang pasyalan yung area ng bentahan ng materials sa Tanay kaso di ko alam puntahan :)

Post ka ng pics ng Molave mo. Mas maganda dalhin mo sa UP Bonsai garden sa saturday ng 10 am para mai-workshop. Dala ka lang ng wires kumpleto na ang mga tools dun.

Nashyboy
11-08-2009, 12:19 PM

hindi ako taga tanay bro, Q ok din ako sa UP if every saturdays, gustu ko talagang matuto eh. as of now 4 plang stocks ko pero hindi magaganda, bale meron akong callos and red ficus na materyales pero pending mode kase di ko pa alam ang gagawen, thank god may thread na ganito.

merson
11-08-2009, 08:29 PM
Hello,

Im a newbie in bonsai and this is the first time i hunt blue bell, pls i need tips on caring this materials.

netbusy127
11-08-2009, 10:33 PM
Good Day sa lahat! newbie isa lang bonsai yung kalachuchi sabi bonsai daw yun! Gusto ko buy ng bonsai mga master ano kaya ang suggest nio para sa newbie na tulad ko. Ty

bambino2
11-09-2009, 05:52 PM
Hello,

Im a newbie in bonsai and this is the first time i hunt blue bell, pls i need tips on caring this materials.

Bro magandang bonsai material ang blue bell. Hindi maselan pero matinik nga lang. Full sun, dilig sa umaga at hapon plus fertilizer every 2 weeks. Umpisan i-wire ang mga branches habang maliit pa.

Good Day sa lahat! newbie isa lang bonsai yung kalachuchi sabi bonsai daw yun! Gusto ko buy ng bonsai mga master ano kaya ang suggest nio para sa newbie na tulad ko. Ty

Yung sinasabi mong kalachuchi ay adenium. Hindi siya kalachuchi. Ang kalachuchi ay plumeria. Hindi rin siya puno kundi succulent kay hindi pwedeng magin bonsai. Meaning ng bonsai ay "Tree on an pot". Dami akong ganyan ang ganda kasi ng bulaklak.

Bago ka mamili ay aral ka muna. Hanap ka ng makakaibigan na nag****nsai na hindi ka bebentahan ng bonsai :) Pasyal ka sa UP Bonsai Garden every saturday 10 am. Maraming pwedeng magturo sa iyo dun. Papahiramin ka pa ng mga libro tungkol sa Bonsai.

bambino2
11-09-2009, 06:05 PM
Post ko lang yung caimito ko 2 years in training. I bought this as a yamadori. Siguro mga 3 years pa medyo maganda na ito :)

http://i42.photobucket.com/albums/e331/angelrott/caimito.jpg

Nashyboy
11-09-2009, 09:30 PM
Post ko lang yung caimito ko 2 years in training. I bought this as a yamadori. Siguro mga 3 years pa medyo maganda na ito :)

http://i42.photobucket.com/albums/e331/angelrott/caimito.jpg

Ganda ng caimito mo bro, newbie question liliit pa ba ang mga dahon niya??

tanung ren ako kung ok lang ba walk inn sa UP bonsai? plan ko pumunta sa sat tsaka saan exact location..

TIA

bambino2
11-10-2009, 05:52 AM
Hindi lumiliit ang dahon ng caimito :lol: Pwede siguro lumiit ng kaunti lang pag rootbound na dahil limited na ang growth :)

Pwedeng pwede ang walk-in sa UP bonsai garden. Puro walk-in kami dun :) Ang grupo dun is barkadahan lang ng mahihilig sa bonsai kaya lahat ng mahilig sa bonsai ay pwedeng maki-join.

http://i42.photobucket.com/albums/e331/angelrott/UP20Bonsai20Garden20Map205B12-11-07.jpg

Nashyboy
11-10-2009, 10:40 PM

Kopya bro, sana may magpahiram saken ng libro ukol sa bonsai hehehe.. subukan ko makapunta sa sat

bambino2
11-11-2009, 08:19 AM
Kopya bro, sana may magpahiram saken ng libro ukol sa bonsai hehehe.. subukan ko makapunta sa sat

Bro pwede kong dalhin yung libro ko tapos ipa-photocopy mo kaagad sa UP Coop para mai-uwi ko rin.

Nashyboy
11-11-2009, 04:51 PM
Bro pwede kong dalhin yung libro ko tapos ipa-photocopy mo kaagad sa UP Coop para mai-uwi ko rin.

*** bro, ayus yan.. p

Mraming salamat

bambino2
11-11-2009, 05:01 PM
Bro check your inbox.

netbusy127
11-12-2009, 09:14 AM
ganda naman ng kaimito na yan. magkano bili mo dyan? Bro gusto ko rin sana paphotocopy yang buk mo kung ok lang kaso my paxok me sa skul twing sabado at lingo. weekly ba punta mo sa up bonsai?

netbusy127
11-12-2009, 09:15 AM
by the way thanks sa paglilinaw sa last post ko about sa kalachuchi. di talaga ako marunong pagdating sa pag****nsai pero mahilig me sa plants at gusto ko talaga matuto.

angelo
11-12-2009, 08:34 PM
papano po magpost ng picture?
yung hindi na po url ang gagamitin? san po nakakabili ng aluminum wire?
bago lang po kasi ko member. salamat

bambino2
11-16-2009, 10:01 AM
ganda naman ng kaimito na yan. magkano bili mo dyan? Bro gusto ko rin sana paphotocopy yang buk mo kung ok lang kaso my paxok me sa skul twing sabado at lingo. weekly ba punta mo sa up bonsai?

Bro na kay Nashyboy yung book, kung gusto mong pa-photocopy pumunta ka sa Sabado.

Yung kaimito, trunk pa lang nung binili ko wala pang mga branches worth 800 pesos 2 years ago.

beepbeep
11-16-2009, 01:58 PM
Meron na ba sa inyong nakapagbonsai ng pomegranate o crabapple? May nakitang akong crabapple na nakalayout na yung primary branches, pero mahal. Sa alam ko nabubuhay mga pomegranate dito sa Pilipinas, at sabi raw magandang i-bonsai iyon. May nakakita na ba ng ganoon dito sa Pinas?

bambino2
11-17-2009, 09:14 AM

Bro, meron kay bernard sa CP Garcia. Granada ang tawag sa tagalog ng pomegranate

beepbeep
11-17-2009, 09:47 AM
Ahhh granada pala yung pomegranate! Ang hirap kasing maghanap ng information tungkol sa mga halaman dito sa Pilipinas. Sana may site na nakalista lahat ng pwedeng i-bonsai na halaman na may Tagalog common name, English common name, pati scientific name. Hindi ko pa rin mahanap kung ano ang tawag sa yangya. :D

beepbeep
11-18-2009, 12:50 PM
Anong mga species ang pinaka ok gawing forest? Nagagandahan ako sa mga formal upright na forest. Alam ko kalyos ang laging ginagamit, pero ano pang ibang species ang pwede sa ganitong style?

Obetski_04
11-20-2009, 05:59 PM
Anong mga species ang pinaka ok gawing forest? Nagagandahan ako sa mga formal upright na forest. Alam ko kalyos ang laging ginagamit, pero ano pang ibang species ang pwede sa ganitong style?

Hi Bro. Meron akong nakita ang materials na ginamit para sa forest ay Tagaytay berry and Serissa foetida maganda rin parang kallos. fyi

bambino2
11-23-2009, 06:10 PM
Mga bros, merong Bonsai Exhibit sa QC Circle. Check niyo yung Root Over Rock na Mulawin Daga ni Elrey Nocido. Sobrang ganda!

eeyoh
11-23-2009, 08:04 PM
@bambino2:hanggang kelan po yung bonsai exhibit?
salamat po

bubutmd
11-23-2009, 09:31 PM
Anong mga species ang pinaka ok gawing forest? Nagagandahan ako sa mga formal upright na forest. Alam ko kalyos ang laging ginagamit, pero ano pang ibang species ang pwede sa ganitong style?

Sir you can use kamuning binangonan for your forest style bonsai.Maganda at napakatibay.Hardwood pa.And most of the available materials have a fairly straight trunk kaya maganda siyang gawing forest style bonsai.Pag may time ako kukunan ko ng picture and ipopost ko dito para makita niyo sir yung kamuning binangonan bonsai ko.God bless!

bambino2
11-24-2009, 05:09 PM
@bambino2:hanggang kelan po yung bonsai exhibit?
salamat po

Hanggang 29 or 30.

eeyoh
11-24-2009, 07:29 PM
ask ko lang po kung anong local term sa pyracantha firethorn? nabasa ko kasi sa book na dito galing sa atin yun. saka po sa azalea.. saka san meron na pwede mabilihan...ganda kasi tingan ng mga flowering bonsai.

@bambino2. salamat sir.

bambino2
11-27-2009, 03:08 PM

Pyracantha rin ang tawag nila dito sa atin. Punta kang CP Garcia. Walang azalea ** pang malamig na lugar lang yun.

godspeed
12-04-2009, 02:26 PM
bambino..tanung ko lang..ano ba gusto ng KAMUNING BIGLOG? dirrect sun light ba o dapat ma shade?salamatt

bambino2
12-09-2009, 03:37 PM
Full sun bro.

Sama kayo sa outing? Punta kami ng Tanay Rizal magsho-shopping ng bonsai materials :)

godspeed
12-14-2009, 10:17 AM
salamat sa info bro..isa pang tanung bambino..may red ficus kasi ako..ang problema yung dulo ng dahon eh parang na susunog..tapos parang may insekto na kumakain ng dahon nya..na bubutas ang mga dahon? ano ba dapat kong gawin sa problema kong to..salamat and godbless

godspeed
12-14-2009, 10:19 AM
bro hanggang kelan yung excivit sa circle? 30 ng december ba?

bambino2
12-14-2009, 06:29 PM
salamat sa info bro..isa pang tanung bambino..may red ficus kasi ako..ang problema yung dulo ng dahon eh parang na susunog..tapos parang may insekto na kumakain ng dahon nya..na bubutas ang mga dahon? ano ba dapat kong gawin sa problema kong to..salamat and godbless

Insecticide bro. Bili ka ng KARATE sa manila seedling.

Nashyboy
12-15-2009, 01:15 PM
Insecticide bro. Bili ka ng KARATE sa manila seedling.

ok to, sinubukan ko na ang tip na ito, currently under observation na ang mga inis-sprayan ko.. ^_^

godspeed
12-16-2009, 10:20 AM
Salamat sa mga tips mga kapatid

graymann
12-18-2009, 09:54 AM
kamusta tol? balitaan mo naman ako

graymann
12-18-2009, 08:33 PM
bambino musta na text mo naman ako pag may events dyan sa q.c

bambino2
12-20-2009, 07:59 PM
Gray, wala kaming nakitang maganda sa Tanay. Isa lang ang nabili ko. Walang bagong stocks. sa summer pa pag dating ng hunting season.

Pumunta rin kami kila Gil. Binigyan niya ako ng lime sulfur. nilagay ko kaagad sa bantigue pati kamuning.

graymann
12-21-2009, 06:33 PM

sabi ko sayo tol, sablay, pag nagkita tyo tol sasabihin ko syo san nakatago yung mgaganada sa tanay at may nalaman din akong bilihan ng malilit

eeyoh
12-21-2009, 09:26 PM
sabi ko sayo tol, sablay, pag nagkita tyo tol sasabihin ko syo san nakatago yung mgaganada sa tanay at may nalaman din akong bilihan ng malilit

saan?

pa-share naman...:)

bambino2
12-22-2009, 02:38 PM
Langya ka Gray di mo tinext sa akin agad Hehehe :)

Meron Free Bonsai Workshop kila Allan Ramos sa may Antipolo (bandang baba lang malapit sa Marcos Highway). Lahat ng taga PALHS ay invited magdala lang kayo ng sariling tanim at wire.

graymann
12-22-2009, 05:48 PM

tol malayo kasi masyado, tsaka di ako kasama baka maligaw kayo pag sinabi ko lang yung daan tska kung sino ang hahanapin,kakatalot nga lang taga doon kasi liblib yung lugar! next time set natin uli tol

bambino2
12-23-2009, 07:43 AM

Ayaw ko ng bumalik dun :) Ang layo :)

Maganda lang ang mga Limestone ni Haydee.

Mron na rin akong nakausap na hunter na specialty niya ang maliliit. Binakuran ko na bro :) Ready na sa Hunting season ng 3rd week to 4th week ng February :)

eeyoh
12-26-2009, 06:55 AM
ask ko lang po san ba may mga bilihan pa ng mga pots for bonsai saka pang bansoy yung medyo mamalalaki other than manila seedling.. dun kasi ko nabili ng mga pots ko. salamat

bambino2
12-28-2009, 04:59 AM
Bro sa C.P. Garcia dun sa Diliman Bonsai Society hanapin mo si Mang Mel gumagawa ng bonsai pots yun. Si Kulot gumagawa rin pati sa Danny.

Pag galing ka sa UP papuntang Katipunan, pagka lampas mo ng huling pwesto ng naglalandscape na merong maraming malalaking bato, merong poste sa kanan na may mga jeep na nakaparada. Kanan ka lang dun. Hindi nakacement ang daan pero maliit lang yun. Pagkanan mo dun puro bonsai materials at pots ang makikita mo.

graymann
12-28-2009, 07:26 PM
bambino musta na?
binago mo na ba lahat ng wiring ng bonsai mo? astig dun nuh! tumabay lang tayo dun sure na magiging expert tayo nyan, *** mo lang ko.

bambino2
12-28-2009, 09:57 PM
bambino musta na?
binago mo na ba lahat ng wiring ng bonsai mo? astig dun nuh! tumabay lang tayo dun sure na magiging expert tayo nyan, *** mo lang ko.

Sa summer na kasi mahina ang mga tanim ngayon. tinanim ko na yung mga puffers :) Bakit kailangan pa kitang i-text? Akala ko every weekend tayo kila Allan?

graymann
12-29-2009, 07:50 PM
Sa summer na kasi mahina ang mga tanim ngayon. tinanim ko na yung mga puffers :) Bakit kailangan pa kitang i-text? Akala ko every weekend tayo kila Allan?

para alam ko what time ka nandoon, baka magkasalisi lang tayo ng oras alam mo naman na bulacan pa ako galing. sama mo uli UP group at magdadala pa ako ng iba pang materials..

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!:lol:

binoe_01
01-05-2010, 04:15 PM
I'm a bonsai hobbyist too with my brother. I'll post some of our bonsai collection soon :D
hi, nice bonsai, alam ko *** below picure is not kalyos. parang sulyap daga kung tawagin sa batangas

binoe_01
01-05-2010, 04:29 PM
mga small size bonsai ko.

tignan nyo yung nasa gitna parang dressed chicken

http://i41.photobucket.com/albums/e257/dlsucsb/DSC01600.jpg
magaganda ah, sir san po kau nka2bili ng mga bonsai pot?

binoe_01
01-05-2010, 04:33 PM
nice plants!! nice kois din! kaka inspire naman ang combination ng hobby mo bro. LOTS of kois and LOTS of bonsai. galing!!

anung klase ng ficus yan bro?

binoe_01
01-05-2010, 04:42 PM
nice puro bantigue, mga magkano n kaya *** gnung bonsai

binoe_01
01-05-2010, 04:49 PM
nice! its serve as inspiration to me..

binoe_01
01-05-2010, 04:58 PM
Mga bros subukan niyong pumasyal sa UP Diliman Bonsai Garden at 10 a.m. every saturday. May free bonsai workshop si Mr. Modesto "Modi" Manglicmot. Don't forget to bring your materials like the potential bonsai "potensai" that will be used for the workshop plus mga wires na gagamitin. Pwede rin naman mag-observe lang kung wala ka pang materials.

Kita kits!

Rudi
Anytime b basta saturday my free workshop brod?

binoe_01
01-05-2010, 05:02 PM
post kolang ang natira kong bonsai 5yrs old na po ito
hindi kona matandaan yung name ng bonsai na ito...nakuha po ito sa laguna bay my isla po dun sa gitna,sa tuktok ng bundok po kinuha sa hala-hala rizal....thnx

http://i39.photobucket.com/albums/e153/bassia/240px-Laguna_de_Bay_zoom.jpg
http://i39.photobucket.com/albums/e153/bassia/Picture034.jpg
http://i39.photobucket.com/albums/e153/bassia/Picture033.jpg

*** matinik b yan bro? tawag nila sa batangas yan sulyap daga or dayap-dayapan

graymann
01-06-2010, 11:30 AM
*** matinik b yan bro? tawag nila sa batangas yan sulyap daga or dayap-dayapan

sir, namumunga ba yan ng bilog na red pag na hinog na? kasi parang lemonsito sya

forumer
01-06-2010, 02:03 PM
Hi All,

Palagi namin napapag usapan ng kapatid ko sa bonsai keeping pero hindi namin nasisimulan,di ko alam kung bkt. Now after reading this topic and watching some videos sa youtube(mainly on juniper) parang gusto ko na siya simulan.

How do you get started(beside reading books)? any books you suggest that is good to read(pref ebook para di mahal):D? ano materials need ko? ano magandang first bonsai na easy to maintain yet ok later on. etc. ^_^

inputs, suggestions are welcome.

thanks

Lui

bambino2
01-07-2010, 03:40 AM

Bro Lui, sa libro maganda ang Bonsai Techniques I and II by John Naka. Kung gusto mong makamura pahiramin ka namin at ipa-photocopy mo na lang.

Pasyal kayo ng kapatid mo sa UP Bonsai Garden every Saturday ng 10 am. Nagkikita-kita ang mga mahilig sa bonsai dun. Kung meron nagdala ng material mas maganda para makapanuod kayo ng bonsai workshop. Walang bayad dun at pwedeng magtanong ng magtanong tungkol sa bonsai. Punta lang kayo ng kapatid mo sa UP at sabihin mo taga PALHS kayo para matulungan namin kayo sa pag-umpisa sa bonsai hobby.

Ang magandang first material is ficus microcarpa at pwede rin ang red balete.

http://i42.photobucket.com/albums/e331/angelrott/UP20Bonsai20Garden20Map205B12-11-07.jpg

forumer
01-07-2010, 09:35 AM
Bro Lui, sa libro maganda ang Bonsai Techniques I and II by John Naka. Kung gusto mong makamura pahiramin ka namin at ipa-photocopy mo na lang.

Pasyal kayo ng kapatid mo sa UP Bonsai Garden every Saturday ng 10 am. Nagkikita-kita ang mga mahilig sa bonsai dun. Kung meron nagdala ng material mas maganda para makapanuod kayo ng bonsai workshop. Walang bayad dun at pwedeng magtanong ng magtanong tungkol sa bonsai. Punta lang kayo ng kapatid mo sa UP at sabihin mo taga PALHS kayo para matulungan namin kayo sa pag-umpisa sa bonsai hobby.

Ang magandang first material is ficus microcarpa at pwede rin ang red balete.

Sige bro, pa photo copy na lang ako. ^_^

As in every sat meron nag pupunta? this sat kaya meron? pa pm na lang po for details(kung sino hahanapin and kung meron) para di ma derail yung thread.^_^

maganda nga yun ah pag laki. (pic from google - ficus microcarpa)
http://www.tropicalbonsai.com/images/Bonsai%20Gallery/b13_copyFicus_Microcarpa.jpg

bambino2
01-08-2010, 09:12 AM

Bro nagtext sa akin si Vince ng Tivoli Greens. Kaibigan pala ng kapatid mo :) Si Sir Modi Manglicmot ang hahanapin sa UP Bonsai garden. Pwede rin si Vince :)

siopao
01-17-2010, 10:24 PM
sir gumawa ako ng root over rock. medyo bitin roots ko kaya half ng limestone nasa ilalim ng lupa muna. hindi po ba masisira limestone or lalambot yun after a few months na nakalubog sa lupa. concern ko baka masira lang?

bumili din ako lemonsito question po regarding repotting hindi ba sensitive like kalyos. dati kalyos ko after repotting namatay sayang ***. tips din po sana how to care for it.

thanks

bambino2
01-19-2010, 04:50 AM

Bro, bakit kailangan mong ibaon ang kalahati ng limetone sa lupa? Dulo lang ng limestone ang sinesemento sa paso. Minimal lang ang matatabunan ng lupa. Dapat naka expose ang bato kasi yung ang maganda dapat ipakita ang limestone.

Kalyos maselan talaga sa repotting yan talagang matetepok yan. Hindi naman maselan ang lemoncito basta after repotting lagyan mo muna ng sphagnum moss sa ibabaw tapos ilagay mo muna sa lilim. Normal practice kahit anong puno ang irerepot mo.

Nice meeting you pala bro!

siopao
01-21-2010, 03:08 PM

*** *** roots ng ficus ko abot lang sa middle part ng limestone so what i did was to fill the pot with soil until half ng limestone temporarily para tumubo *** roots ng ficus. worry ko is baka lumambot *** limestone kung matagal na nakalubog sa soil.

nice meeting you din sir.

thanks.

graymann
01-21-2010, 05:51 PM

gud day sir suggestion lang po.

about sa limestone mo, mas maganda i cement mo na sa pot na gusto mo, ok pa naman yan kasi hindi pa umabot yung roots sa dulo,safe pa yan sa chemical ng cement.( ano po ba gusto nyo gawin yung roots bumaba sa dulo ng lupa? same din po kasi ang method ng i cement na agad[/COLOR][/COLOR][/COLOR][/I]) at ang maganda yung roots na nasa lime stone lagyan mo ng putik lahat ng roots na naka palibot sa bato,yun ang mag sisilbing lupa nya habang hindi pa firm yung roots, tapos itali mo lang mabuti yung halaman s bato para hindi gumalaw. yung putik lagyan mo ng moss..para pag nag dilig ka hindi mawala yung putik ok pa yung moisture.. :D

siopao
01-22-2010, 09:28 AM

yes sir guto ko bumaba roots sa dulo ng lupa. may nabasa ako one site sa internet to plant the tree in the ground para mas mabilis tumubo roots. ito po link (http://www.bonsaiprimer.com/styles/rock/rock.html). i don't know if this is applicables sa atin.

Nashyboy
01-22-2010, 06:45 PM

Bro kaw ba yung nagpunta sa UP bonsai society nung last sat with ser bambino and friends?

ric2
01-22-2010, 06:49 PM
ako isa sa mga nagpunta kay mang mel kasama sila vince. hehehe

sabado nananman bukas! kita kits sa up... sana hindi na absent si sir mody.

siopao
01-23-2010, 10:30 PM
Bro kaw ba yung nagpunta sa UP bonsai society nung last sat with ser bambino and friends?

ako isa sa mga nagpunta kay mang mel kasama sila vince. hehehe

sabado nananman bukas! kita kits sa up... sana hindi na absent si sir mody.

yes sir ako yun nagpunta last week absent ako kanina may work ako ng sat. pag-off ko punta ako. dami ko natutunan kay mang mel and sa fellow hobbyists.:lol:

siopao
01-25-2010, 02:41 PM
mga sir ang river sand ba pwede na straight ilagay sa bonsai pot or do i still need to wash it? nabili ko river snd na nasa sako.

ano po gamit niyo fertilizer for bonsai and how do i us it?

thanks

bambino2
01-25-2010, 05:21 PM
*** *** roots ng ficus ko abot lang sa middle part ng limestone so what i did was to fill the pot with soil until half ng limestone temporarily para tumubo *** roots ng ficus. worry ko is baka lumambot *** limestone kung matagal na nakalubog sa soil.

nice meeting you din sir.

thanks.

Bro, dapat lumang t-shirt ang ginamit mo. Takpan mo ng t-shirt yung puno lang ang nakalabas. 1 year dapat may takip na t-shirt. Kaya may t-shirt para ma-protectahan yung mga young roots na tumutubo. Pag tinamaan ng araw mamamatay ang mga maliliit na ugat.

Pag lupa sa kalahati ng limestone kasi ang ginamit mo bro lalayo ang mga ugat sa limestone at gagapang sa lupa. Kung t'shirt ang gamit mo, walang ibang option yung mga ugat kundi gumapang pababa sa limestone.

bambino2
01-25-2010, 05:23 PM
mga sir ang river sand ba pwede na straight ilagay sa bonsai pot or do i still need to wash it? nabili ko river snd na nasa sako.

ano po gamit niyo fertilizer for bonsai and how do i us it?

thanks

Bro saan mo nabili yung riversand? Sa CP Garcia ba? Hindi na kailangan hugasan ng tubig ang riversan. Ok na yan direcho mo nang ilagay ang bonsai material.

Ang fertilizer na gamit ko dati is yung Peters 20-20-20. Ang kaso na-doble na ang presyo ngayon so iwas muna ako kasi ang bilis maubos ng 1 kilo pag maraming dinidiligan.

Hintay ka muna ng 3 months bago gumamit ng fertilizer sa mga bagong tanim a materials or bagong repot na bonsai. Sa kahit anong laseng fertilizer always read the instructions sa packaging. Sa fertilizer ok lang kulang wag lag sosobra. Normally every 2 weeks ang application ng fertilizer.

Nashyboy
01-25-2010, 06:35 PM
ako isa sa mga nagpunta kay mang mel kasama sila vince. hehehe

sabado nananman bukas! kita kits sa up... sana hindi na absent si sir mody.

yes sir ako yun nagpunta last week absent ako kanina may work ako ng sat. pag-off ko punta ako. dami ko natutunan kay mang mel and sa fellow hobbyists.:lol:

Nako sorry nagyon ko lang nabasa to, san mag kakila-kilala tayo in person nexttime na magbo-bonsai meet ups.

siopao
01-26-2010, 05:15 PM
Bro, dapat lumang t-shirt ang ginamit mo. Takpan mo ng t-shirt yung puno lang ang nakalabas. 1 year dapat may takip na t-shirt. Kaya may t-shirt para ma-protectahan yung mga young roots na tumutubo. Pag tinamaan ng araw mamamatay ang mga maliliit na ugat.

Pag lupa sa kalahati ng limestone kasi ang ginamit mo bro lalayo ang mga ugat sa limestone at gagapang sa lupa. Kung t'shirt ang gamit mo, walang ibang option yung mga ugat kundi gumapang pababa sa limestone.

Bro saan mo nabili yung riversand? Sa CP Garcia ba? Hindi na kailangan hugasan ng tubig ang riversan. Ok na yan direcho mo nang ilagay ang bonsai material.

Ang fertilizer na gamit ko dati is yung Peters 20-20-20. Ang kaso na-doble na ang presyo ngayon so iwas muna ako kasi ang bilis maubos ng 1 kilo pag maraming dinidiligan.

Hintay ka muna ng 3 months bago gumamit ng fertilizer sa mga bagong tanim a materials or bagong repot na bonsai. Sa kahit anong laseng fertilizer always read the instructions sa packaging. Sa fertilizer ok lang kulang wag lag sosobra. Normally every 2 weeks ang application ng fertilizer.

sa manila seedling ko nabili *** riversand. puro riversand *** ba lagay ko or may halo na garden soil?

thanks po sir bambino.

bambino2
01-27-2010, 07:36 AM
sa manila seedling ko nabili *** riversand. puro riversand *** ba lagay ko or may halo na garden soil?

thanks po sir bambino.

Purong river sand lang.

Mga bros may bagong bonsai materials sa Saturday ng umaga. Magha-hunting sila ng biyernes at dadating sila ng sabado ng umaga. Kita kits sa Sabado sa CP Garcia.

ric2
01-27-2010, 10:37 PM
so ibig sabihin nito diretcho na tayo ng cp garcia hindi sa up? hehehe

bambino2
01-28-2010, 09:45 PM
so ibig sabihin nito diretcho na tayo ng cp garcia hindi sa up? hehehe

Tama bro. Direcho tayo sa CP Garcia para tumingin ng materials. After that, saka tayo pupunta sa UP para ayusin t pag-usapan ang mga nabili natin.

mattys_pet
01-28-2010, 11:43 PM
gandang gabi mga ka hobby! bro how much ngyun mga materials sa CP garcia? at ano anong mga puno ang dinadala? may mga bantigue pa ba?

ric2
01-29-2010, 08:33 AM
sana naman iba ang dalhin nila micheal.... panay kamuning ang dala for the past 2 weeks eh....nakaka 4 na materyales nako ng kamuning.

graymann
01-29-2010, 09:34 AM
Tama bro. Direcho tayo sa CP Garcia para tumingin ng materials. After that, saka tayo pupunta sa UP para ayusin t pag-usapan ang mga nabili natin.

L300 van ang dala nila *** limited lang ang masakay dun laluna pag may malaking materials..
:D

siopao
01-29-2010, 12:17 PM
Purong river sand lang.

Mga bros may bagong bonsai materials sa Saturday ng umaga. Magha-hunting sila ng biyernes at dadating sila ng sabado ng umaga. Kita kits sa Sabado sa CP Garcia.

may work ako this saturday.:(

mag sir pano ba ang gamit ng complete fertilizer(14-14-14)?
how much ang lalagay sa pot or mix with water?

Nashyboy
01-30-2010, 09:06 PM
gandang gabi mga ka hobby! bro how much ngyun mga materials sa CP garcia? at ano anong mga puno ang dinadala? may mga bantigue pa ba?

depende sa lake ng materyales bro, pero sulit naman lalo na sa newbie kase libre workshop yung materyales mo,

laylo sila sa bantigue kase medyo mahirap yata ngayon ang mga checkpoints

Nashyboy
01-30-2010, 09:07 PM
may work ako this saturday.:(

mag sir pano ba ang gamit ng complete fertilizer(14-14-14)?
how much ang lalagay sa pot or mix with water?

bro may nakapagturo saken na 1 table spoon = 1 timbang tubig tapos ayus idilig muna..

wait ka din ng iba pang inputs specially sa mga master.

bambino2
02-02-2010, 05:30 PM
Mga bros, magandang balita. Medyo nasiyahan ang mga hunters nung Sabado kasi marami na naman silang nakitang nag****nsai sa CP Garcia. Ginanahan yata kaya maghuhunting daw sila ulit at dadalhin sa CP Garcia ng Saturday morning. Unahan na naman sa pagpili ng materials :)

Bros, pagkakataon na natin ito para sa bagong materials. Huminto ang mga hunters ng 2 years. Ngayon na lang sila ulit nagha-hunting.

korei
02-02-2010, 08:38 PM
mga parekoy. hindi kaya lalong makalbo mga kagubatan natin nyan? sa daming ng bonsai hunters at ilegal loggers

bambino2
02-02-2010, 09:43 PM
mga parekoy. hindi kaya lalong makalbo mga kagubatan natin nyan? sa daming ng bonsai hunters at ilegal loggers

Kulang ka na naman sa pansin? :)
Sa illegal loggers ubos talaga ang puno :)

Hindi naman makakalbo ang kagubatan sa bonsai dahil ang kinukuha nila ay yung mga abnormal na tubo lang, yung mga halos patay na na tinubuan ulit. yung magagandang puno which is ang karamihan sa kagubatan ay hindi ginagalaw kasi hindi pwedeng gamitin sa bonsai :)

graymann
02-03-2010, 09:19 AM

tama ka dyan! ang mga hunters na yan eh mga skill/Well-informed about sa different style ng bonsai at ang kukunin lang nyan yung mga may potencial maging bonsai in the future. di naman mag papagod mag hukay ang mga yan kung didin mabebenta!!:D

ric2
02-03-2010, 04:22 PM
potek na late ako ng punta last week ang ganda ng literati na inuwi ni rudy!

huli man ang matsing may uwi parin.... hehehe

si richard namakyaw ng mga large na materyales... quota buster si micheal!

hindi nako magpapahuli ngayong sabado!

kita kits ulit!

handa nyo na ulit mga bulsa nyo...
@ rudy - nakita mo ba yung exposed root na kulas ni mang mel last week?

korei
02-03-2010, 08:33 PM
Kulang ka na naman sa pansin? :)
Sa illegal loggers ubos talaga ang puno :)

Hindi naman makakalbo ang kagubatan sa bonsai dahil ang kinukuha nila ay yung mga abnormal na tubo lang, yung mga halos patay na na tinubuan ulit. yung magagandang puno which is ang karamihan sa kagubatan ay hindi ginagalaw kasi hindi pwedeng gamitin sa bonsai :)

hindi naman, sumagi lang sa isip ko kaya ko naitanong

korei
02-03-2010, 08:42 PM
tama ka dyan! ang mga hunters na yan eh mga skill/Well-informed about sa different style ng bonsai at ang kukunin lang nyan yung mga may potencial maging bonsai in the future. di naman mag papagod mag hukay ang mga yan kung didin mabebenta!!:D

hindi ko naman tinatanong kung may skill sila o wala. ke potencial or hindi para gawing bonsai
puno parin yung kinukuha nila... wag sana magalit yung mga bonsai fanatic dyan nagtatanong lang ako..

saka dati rin ako bonsai hobbyist, kaso di na ngayon

mattys_pet
02-03-2010, 08:53 PM
please post naman ng mga new materials dyan.. hehehe

bambino2
02-04-2010, 11:24 AM
hindi ko naman tinatanong kung may skill sila o wala. ke potencial or hindi para gawing bonsai
puno parin yung kinukuha nila... wag sana magalit yung mga bonsai fanatic dyan nagtatanong lang ako..

saka dati rin ako bonsai hobbyist, kaso di na ngayon

Ikaw kasi sinunod sunod mo ang pagbili tapos di mo naman inalagaan :) Si mattys_pet ang may kasalan kasi ininggit si korei :)

Ma bros, suggestion sa mga newbies, Huwag muna mamili ng marami. Kuha muna kayo ng ilang piraso. Pagkatapos ng 1 or 2 years at mahilig pa rin kayo sa bonsai, saka kayo bumili ng marami. Baka kasi sa umpisa bumili kayo ng marami eh tapos magsawa kayo agad eh sayang naman ang pera niyo pati yung mga bonsai.

mattys_pet
02-04-2010, 12:11 PM
NABUHAY SI KOREI!!!!!! WAAAAHHHH musta na? tutsa leon yata yang alaga mo ah nasa avatar mo!? inum tayo minsan nila bambino mukhang madami ng alam sa pag bo bonsai yan na pag iwanan na tayo

bambino2
02-04-2010, 12:19 PM
NABUHAY SI KOREI!!!!!! WAAAAHHHH musta na? tutsa leon yata yang alaga mo ah nasa avatar mo!? inum tayo minsan nila bambino mukhang madami ng alam sa pag bo bonsai yan na pag iwanan na tayo

Wala pa akong natutunan sa bonsai. Bili lang ng bili pati gunting ng gunting :)

siopao
02-04-2010, 01:28 PM
mga sir kung punta ba ako ng sunday may maabutan pa kaya ako?

may work *** ako ng sat..

bambino2
02-04-2010, 04:27 PM
mga sir kung punta ba ako ng sunday may maabutan pa kaya ako?

may work *** ako ng sat..

Normally hanggang 12 nandoon pa rin ang mga hunters.

siopao
02-06-2010, 10:32 AM
mga sir ok ba gawin bonsai ang "Podocarpus Macrophyllus" or maki. may nakikita *** ako bonsai na ganito. how much kaya range ng material na ito? thanks.

mattys_pet
02-06-2010, 12:31 PM
bro pwede naman i bonsai yan. re price wala ako idea pag material eh.

cutestnurse
02-08-2010, 08:20 AM
galing ako sa CP Garcia nung Sat. kaso medyo nahuli na ako. wala na akong mga materyales na nakuha. waaaaaaaah. nakaka-adik magbonsai. san pa ba makakabili ng murang bonsai materials? newbie lang ako.

bambino2
02-09-2010, 10:51 AM

Puro kalyos lang ang dala ni Nonoy hunter nung Sabado. Sa CP lang talaga ang bilihan.

nessnajwafu22
02-09-2010, 07:45 PM
may bonsai ako dati. bushida ata and yung isa.. nakalimutan ko name :) parang pine . turuan niyo naman ako. may bouganvillea dito samin matanda pa ata sakin un. papaugatan ko sana. tips naman kung pano ko magagwang bonsai un. kung anung soil ggmitin ko. and steps. nakalimutan ko n kasi ee

nessnajwafu22
02-09-2010, 07:48 PM
juniper :)

DilimanBonsai
02-09-2010, 08:42 PM
Hi sa lahat ng Bonsai Hobbyist. May announcement po ako sa inyo. Magkakaroon po ng Libreng Bonsai Lecture si Mang Mel sa CP Garcia sa ganap na 9:30 ng umaga. Ang Topic ay Basic Bonsai Making. Sa lahat ng gustong matuto ng paggawa ng Bonsai, ito na po pagkakataon nyo. Maraming Salamat Po!!

DilimanBonsai
02-09-2010, 08:49 PM
Magkakaroon rin po pala ng bagong materials sa bonsai sa saturday. MAghuhunting po sina Michael kasama si Mang Mel sa Biyernes. Kya kung gusto nyo po magkaroon ng bagong Bonsai materials punta *** po kyo sa CP Garcia.

bambino2
02-09-2010, 10:55 PM

Ayos yan :) Balita ko sa Batangas ang hunting. Makakakita na naman tayo ng bluebell pati balete na materials.

betta14
02-10-2010, 12:02 AM
tanong lang po. pwede po bang gawing bonsai ang acacia tree? may seedlings kasi ako e. sana tumubo na

cutestnurse
02-10-2010, 12:00 PM
wow. blubell at balete. ayos yan.

nessnajwafu22
02-12-2010, 10:57 PM
mga boss ask ko lang. balak ko kasi mag bonsai bibili ako ng bushido plant. e diba nasa black na plastic pa sila. pag bili ko ba idederetso ko naba sila sa maliit na paso para ibonsai? help naman. sa baguhan

bambino2
02-13-2010, 01:01 PM

Hindi binobonsai ang bushida dito sa atin kasi maraming magandang bonsai materials na available. Subukan mong pumunta sa Diliman Bonsai sa may CP Garcia hanap ka ng Banyan na ficus. Mas ok yun ang daling pormahan at hindi maselan.

Plankton
02-14-2010, 01:27 AM
Mga Bro sa Bonsai im from Cavite, Punta ako sa Sunday sa C.P. Garcia, May makukuha pa ba akong Bantigue Materials? Hope meron pa.God blessm po.

bambino2
02-14-2010, 07:53 AM
Mga Bro sa Bonsai im from Cavite, Punta ako sa Sunday sa C.P. Garcia, May makukuha pa ba akong Bantigue Materials? Hope meron pa.God blessm po.

Bro siguradong meron kang mabibiling bantigue sa CP Garcia.

nessnajwafu22
02-14-2010, 11:51 AM
san ba yang CP garcia? ngayon ko lang narinig yang lugar n yan :) magkano kaya price range ng mga ficus dun?

DilimanBonsai
02-14-2010, 02:15 PM
Mga Bro sa Bonsai im from Cavite, Punta ako sa Sunday sa C.P. Garcia, May makukuha pa ba akong Bantigue Materials? Hope meron pa.God blessm po.

meron pa bantigue sa C.P. Garcia.. tska may makukuha din si mang mel na bagong bantigue, kasi may nakausap na sya makukuhanan.. pero di na namin masyado pinopromote bantigue kasi endanger species na kasi sya.. maraming salamat po!!

nessnajwafu22
02-15-2010, 06:08 PM
ask ko lang about sa ficus "balete" nag tanong kasi ako dito malapit samin kung may ficus. meron daw pero ang leaves niya pabilog and may mga bilog na fruits ako nakita ficus ba to? ano ba itsura ng ficus pag hindi pa nai-bbonnsai? nag search kasi ako pero hindi ganun yungitsura ng nakita ko sa pinagtanungan ko. and may isa pa silang binibenta. phobea daw chinese bush hindi ko sure ang spelling eh.

jackal
02-15-2010, 08:39 PM
help po mga masters!repot ko sana bantigue kasi clogged up na ang pot!gaano karami roots na itrim ko?plss.reply salamat..

jackal
02-15-2010, 08:42 PM
new lang po ako dito karegister lang!im hoping some advice from other bonsai literate members.. salamat

bubutmd
02-15-2010, 08:52 PM
ask ko lang about sa ficus "balete" nag tanong kasi ako dito malapit samin kung may ficus. meron daw pero ang leaves niya pabilog and may mga bilog na fruits ako nakita ficus ba to? ano ba itsura ng ficus pag hindi pa nai-bbonnsai? nag search kasi ako pero hindi ganun yungitsura ng nakita ko sa pinagtanungan ko. and may isa pa silang binibenta. phobea daw chinese bush hindi ko sure ang spelling eh.

Ficus rotondifolia ang ficus na bilog at makapal ang leaves na namumunga ng round,red berry like fruits.Hanapin mo ay ficus philippinensis,yun ang tunay na ficus na balete na tintatawag natin.This type of ficus has a long,narrow,small leaves.Yan yung nakikita natin sa wild dito sa atin.^_^

bubutmd
02-15-2010, 09:06 PM
mga boss ask ko lang. balak ko kasi mag bonsai bibili ako ng bushido plant. e diba nasa black na plastic pa sila. pag bili ko ba idederetso ko naba sila sa maliit na paso para ibonsai? help naman. sa baguhan
Pwede mo sir ilipat kaagad sa bonsai plant yang japanese bushida kaya lang wag mo muna sir bawasan masyado at wag muna galawin yung roots at soil niya.Maselan sir ang bushida pag bagong lipat ng pot.After repotting to a bonsai pot,place it in a shaded area and water it 1 to 2x a day.Matatanggal sir ang mga leaves niya after a few days pero sisibulan yan ulit ng bagong dahon after a week.Then gradually place it in a semi shaded location for another week bago ilipat sa lugar na maaarawan siya directly.I have a nice medium size japanese bushida in my collection.You can view it in mga bonsai ni Bubutmd.Goodluck po sir!Happy bonsai keeping and God bless!^_^

DilimanBonsai
02-16-2010, 01:05 AM
May Bonsai display po pala sa loob ng Marikina City Hall at may bonsai seminar din po sila ginagawa doon.. kung may time po kyo pwede po kyo pumunta doon.. maraming salamat po!!

nessnajwafu22
02-16-2010, 02:42 AM
Ficus rotondifolia ang ficus na bilog at makapal ang leaves na namumunga ng round,red berry like fruits.Hanapin mo ay ficus philippinensis,yun ang tunay na ficus na balete na tintatawag natin.This type of ficus has a long,narrow,small leaves.Yan yung nakikita natin sa wild dito sa atin.^_^

ahh ok salamat bro. mukhang mahirapan ako mag hanap ng ficus dito sa las pinas pero try ko.

thug
02-16-2010, 10:10 AM
Hindi binobonsai ang bushida dito sa atin kasi maraming magandang bonsai materials na available. Subukan mong pumunta sa Diliman Bonsai sa may CP Garcia hanap ka ng Banyan na ficus. Mas ok yun ang daling pormahan at hindi maselan.

boss ask ko lang po kung magkano naglalaro ang price hange ng bantigue...sa olongapo pa ako eh....

thug
02-16-2010, 10:12 AM
May Bonsai display po pala sa loob ng Marikina City Hall at may bonsai seminar din po sila ginagawa doon.. kung may time po kyo pwede po kyo pumunta doon.. maraming salamat po!!

gud day po....ask ko lang po kung magkano naglalaro ang price po ng bantigue...thank you po...

thug
02-16-2010, 10:15 AM
May Bonsai display po pala sa loob ng Marikina City Hall at may bonsai seminar din po sila ginagawa doon.. kung may time po kyo pwede po kyo pumunta doon.. maraming salamat po!!

Hi sa lahat ng Bonsai Hobbyist. May announcement po ako sa inyo. Magkakaroon po ng Libreng Bonsai Lecture si Mang Mel sa CP Garcia sa ganap na 9:30 ng umaga. Ang Topic ay Basic Bonsai Making. Sa lahat ng gustong matuto ng paggawa ng Bonsai, ito na po pagkakataon nyo. Maraming Salamat Po!!

para kailan po...

thug
02-16-2010, 10:20 AM
gud day po mga masters...ask ko lang po kung may mga sample kayo ng pics na ang material used eh bignay po...meron po me stocks ng bignay eh...

thug
02-16-2010, 10:21 AM
saka po pala sana picture po ng style ng camachile...

thug
02-16-2010, 10:23 AM
gud day po mga masters....ask ko lang kung papaano ako makakapunta ng cp. garcia..manggagaling pa po ako dito sa olongapo po....

jackal
02-16-2010, 02:32 PM
help naman mga sir! clogged up na kasi ang pot ng binili ko last year na bantigue! gusto ko sana irepot kaya lang di ko alam if gaano karaming roots ang iprune ko at kailangan din ba idefoliate pag magrepot at magbawas ng ugat?

jackal
02-16-2010, 08:36 PM
thank you for the compasionate response from diliman bonsai:):)

DilimanBonsai
02-16-2010, 10:59 PM
help naman mga sir! clogged up na kasi ang pot ng binili ko last year na bantigue! gusto ko sana irepot kaya lang di ko alam if gaano karaming roots ang iprune ko at kailangan din ba idefoliate pag magrepot at magbawas ng ugat?

kung maaari konti lang ibawas mo na ugat.. kailangan din sya tanggalan ng dahon sa sanga pero magtira ka sa dulo ng mga sanga, mga apat na dahon, wag mo uubusin lhat ng dahon.. tapos ilagay mo sya sa lilim.. Diligan mo saya 1-2 times a day.. ilabas mo lang sya pag may tumutubo na ulit na bagong sanga.. kailangan mo rin sya diligan ng hormex 1 a week

DilimanBonsai
02-16-2010, 11:05 PM
para kailan po...

Ang free Bonsai Lecture sa CP Garcia ay tuwing saturday ng umaga.. at ang bonsai seminar sa Marikina City Hall ay nag start na ata nung monday

DilimanBonsai
02-16-2010, 11:09 PM
gud day po....ask ko lang po kung magkano naglalaro ang price po ng bantigue...thank you po...

Ang pricing po ng bonsai ay depende po sa laki, ganda at tagal ng pag aalaga sa kanya.. mas malaki, maganda at matagal na inalagaan mas mhal po price.

DilimanBonsai
02-16-2010, 11:16 PM
gud day po mga masters....ask ko lang kung papaano ako makakapunta ng cp. garcia..manggagaling pa po ako dito sa olongapo po....

Punta ka Quezon City Circle.. tapos PHILCOA.. pag lagpas mo PHILCOA kanan ka UP Diliman.. Tapos kanan ka unang stop light, C.P. Garcia Street.. tapos pag nsa C.P. Garcia St. kana hanapin mo ang 104 C.P. Garcia, tpos kanan ka sa may karatulang Diliman Bonsai Society.

jackal
02-16-2010, 11:32 PM
salamat sir diliman bonsai sa advice for my bantigue! pahabol na tanong lang po. wala kasi hormex dito sa iloilo na mabilhan pwede na po ba yung ANAA?

DilimanBonsai
02-16-2010, 11:48 PM
salamat sir diliman bonsai sa advice for my bantigue! pahabol na tanong lang po. wala kasi hormex dito sa iloilo na mabilhan pwede na po ba yung ANAA?

Pwede na rin po yan.. pag bago repot mga every 3 day ka dilig anaa tapos pag may tumutubo na bago, mga 1 a week na lang.

thug
02-17-2010, 09:37 AM
[QUOTE=DilimanBonsai;2616980]Ang pricing po ng bonsai ay depende po sa laki, ganda at tagal ng pag aalaga sa kanya.. mas malaki, maganda at matagal na inalagaan mas mhal po price.
[QUOTE]

marami pong salamat sir....doon po sa mga hunter na makikita po sa c.p.garcia.....any idea po sa mga pricing po nila sir....

DilimanBonsai
02-17-2010, 12:11 PM
marami pong salamat sir....doon po sa mga hunter na makikita po sa c.p.garcia.....any idea po sa mga pricing po nila sir....[/QUOTE]

Pag mga materials pa lang galing hunters, mga bubuhayin pa lang mas mura yun.. depende sa laki presyuhan nila.. mas malaki mas mahal.. tuwing saturday lang po kayo makakakita ng hunters sa CP Garcia

graymann
02-17-2010, 12:29 PM
marami pong salamat sir....doon po sa mga hunter na makikita po sa c.p.garcia.....any idea po sa mga pricing po nila sir....

Pag mga materials pa lang galing hunters, mga bubuhayin pa lang mas mura yun.. depende sa laki presyuhan nila.. mas malaki mas mahal.. tuwing saturday lang po kayo makakakita ng hunters sa CP Garcia[/QUOTE]

astig!! sana online ka lagi, para du:Dn sa mga bagong nag bbonsai, more power sayo hehehe

mr_ED
02-17-2010, 01:12 PM
magandang libangan din itong pagbo bonsai mahilig din akong mag garden garden. who knows one day kaisa na ako dito ;) but i guess i have to read and read this bonsai thread from time to time to learn more. isa pa maganda din kunan ng extra income itong bonsai hobby, kase a friend of mine sinama ako sa farmers, that was long time ago, kung saan yong best friend niya me garden shop, sa bungad me isang malaking pot with bonsai talagang malaki, matandang puno na at napakaganda bulong sa akin binibili na ng P35K that time hindi daw binenta ng best friend ng friend ko di ko lang alam what happen next....

jackal
02-17-2010, 01:22 PM
malaking tulong talaga thread na ito lalo na sa mga malayo sa maynila na di makapagworkshop sa UP :(!more power to diliman bonsai and to all members and guest of this thread who shares their knowledge sa pag****nsai!! KEEP it UP GUYS:)

DilimanBonsai
02-17-2010, 01:25 PM
astig!! sana online ka lagi, para du:Dn sa mga bagong nag bbonsai, more power sayo hehehe

Salamat Gray.. Ako po ang boses ng aming grupo, ang Diliman Bonsai Society.. Nandto lang po ako pra magbigay nang information at announcement para sa mga baguhan na gusto matuto sa larangan ng paggawa ng bonsai. Maraming salamat po!!

mr_ED
02-17-2010, 01:42 PM
maraming salamat din sa iyo sir DilimanBonsai and more power to Bonsai Hobbyist.

graymann
02-17-2010, 02:18 PM
Salamat Gray.. Ako po ang boses ng aming grupo, ang Diliman Bonsai Society.. Nandto lang po ako pra magbigay nang information at announcement para sa mga baguhan na gusto matuto sa larangan ng paggawa ng bonsai. Maraming salamat po!!

wala yun.. ikaw lang e. matagal ko na sinabi itong forum na ito sa inyo buti naman mapapadalas ka na dito, lalong mapapasarap ang usapan at dadami ang kaalaman..ayos hehe:D
astig talaga kayo dyan!!

mattys_pet
02-17-2010, 04:05 PM
magandang hapon po. baka po may nakaka alam kung ang patubong mga dahon ng bantigue ay dapat nasa full sun din naka pwesto? yung bantigue ko kasi na ubos ang dahon kinain ng higad pero na sprayan ko na ng malathion at mukhang wala ng higad.

ngyun po ay patubo na sya pero naalala ko dati may nag sabi saakin na pag pa tubo na ang dahon dapat sa malilim at hindi gaano nahahangin. same thing applies ba sa stable na bantigue pero nag palit ng dahon at pa tubo na?

http://farm3.static.flickr.com/2733/4364886704_f7b070e068.jpg

graymann
02-17-2010, 04:37 PM

tol, nag kaganyan din yung bantigue ko dati na kain ng higad yung dahon, 2yrs na yung bantique ko kaya hindi ko na nilipat sa lilim nung nawalan ng dahon. ok naman siya mas gumanda nga yung pagdadahon nya after ng ngyari, lumiit yung dahon lalo. kung stable na yung bantique mo ***** same din sa akin na hindi na kaylangan ililim..

Janssen'ads
02-17-2010, 10:01 PM
may nag bo2nsai din po ba ng boungainvilla?

bambino2
02-17-2010, 10:07 PM
Mga Bros, Invited ang lahat lalo na ang mga taga PALHS na mahilig sa bonsai.

The 1st Modi Manglicmot Bonsai and Suseiki Cup sa June 25. 2 weeks ito sa QC Circle. Merong dadating na International Judges at marami na naman tayong matutunan. Meron din magdadala ng mga bonsai materials from other parts of the country kaya pag-asa na ng mga taga Manila na makakuha ng Tugas Sa Bato (Molave from GenSan).

bambino2
02-17-2010, 10:09 PM
may nag bo2nsai din po ba ng boungainvilla?

Oo. Maraming magagandang bonsai na Bougainvillea. Maganda kasi lalo na kapag puro bulaklak.

Janssen'ads
02-17-2010, 10:14 PM
meron kasi kaming dalawang napakatandang puno ng boungainvilla dito samin. balak ko sanang ipropagate tama ba? para magkaugat. then? ano next ko gagawin? ibo2nsai naba agad oh lagay muna sa paso para patubuin? sorry newbie lang :)

bambino2
02-17-2010, 11:05 PM

Maganda ba ang trunk? Baka kasi direcho lang eh magmukhang poste lang pag ginawang bonsai. Mas maganda sana kung may character or may sayaw ng kaunti ang trunk. Mas ok kung makukuhanan mo ng letrato. Kapag napakatanda na ng puno ibig sabihin malapad na ang trunk?

Huwag mo munang putulan kasi may El Nino ngayon baka hindi mag survive dahil sa sobrang init.

bambino2
02-17-2010, 11:11 PM
magandang hapon po. baka po may nakaka alam kung ang patubong mga dahon ng bantigue ay dapat nasa full sun din naka pwesto? yung bantigue ko kasi na ubos ang dahon kinain ng higad pero na sprayan ko na ng malathion at mukhang wala ng higad.

ngyun po ay patubo na sya pero naalala ko dati may nag sabi saakin na pag pa tubo na ang dahon dapat sa malilim at hindi gaano nahahangin. same thing applies ba sa stable na bantigue pero nag palit ng dahon at pa tubo na?

http://farm3.static.flickr.com/2733/4364886704_f7b070e068.jpg

Tama si Gray, hindi mo na kailangan ilagay sa lilim yung bantigue mo. Malakas na naman iyan at well established na ang roots. Basain mo lang parati at least 3 times a day kasi sobrang init ngayon dahil sa El Niņo.

bambino2
02-17-2010, 11:28 PM
Mga Bros, Invited ang lahat lalo na ang mga taga PALHS na mahilig sa bonsai.

The 1st Modi Manglicmot Bonsai and Suseiki Cup sa June 25. 2 weeks ito sa QC Circle. Merong dadating na International Judges at marami na naman tayong matutunan. Meron din magdadala ng mga bonsai materials from other parts of the country kaya pag-asa na ng mga taga Manila na makakuha ng Tugas Sa Bato (Molave from GenSan).

Post ko lang ang isa sa mga malalaking bonsai Ni Sir Modi
http://i42.photobucket.com/albums/e331/angelrott/bonsai-kamuning.jpg

jackal
02-17-2010, 11:41 PM
mga sir gud eve sa lahat ng online sa usapang bonsai! newbie question lang po. me nakuha akong bantigue sa shorline namin dito sa panay island nung november pa ng 2009.ngayon po around 4 to 7 inches na ang haba ng mga bagong shoots nya approximately 3months planted. kelan ko po pwedeng iwire ang mga bago nyang sanga? nakuha ko po material na ito nung nagroad widening sa area na tinutubuan ng bantigue dito sa bayan namin kasi ang mga nascrape na lupa from the roadside bahagyang tumabon sa ilang bantigue na malapit sa kalsada kaya hinukay ko at inuwi kasi malamang mamatay lang din naman yun dun dahil sa lupang tumambak.

jackal
02-17-2010, 11:46 PM
sir bambino anong kahoy po yung pinost nyo na malaking bonsai ni sir manglicmot? tingin ko po parang banate(murraya paniculata)local name dito sa panay island banate..

Plankton
02-18-2010, 12:10 AM
Bro siguradong meron kang mabibiling bantigue sa CP Garcia.

Mali yata tanong ko Boss, may materials po bang makukuha pag Sunday? He he he Newbie din sa Bonsai pero matagal na akong na inspire sa Bonsai kaya may nalalaman in theories lamang po.Magkano po kaya ang price range yung tipong pang newbie lang.Madaming salamat and sana makasama ako sa mga lectures and studies ninyo.God bless.

Plankton
02-18-2010, 12:26 AM
meron pa bantigue sa C.P. Garcia.. tska may makukuha din si mang mel na bagong bantigue, kasi may nakausap na sya makukuhanan.. pero di na namin masyado pinopromote bantigue kasi endanger species na kasi sya.. maraming salamat po!!

Boss, Materials lang po sana and kung pwede po makuha number ni Mang Mel papunta sana ako this coming Sunday para makapagtanong sa Bantigue....Naiintindihan ko po mahirap talaga pag endangered species(dapat ingatan na natin para sa susunod na henerasyon)Dala lang po ng tukso na makahawak ng kakaiba kaya ko po nagagawa ito.Pagpasensiyahan ninyo na.

Anyway merong isang barangay dito sa Cavite na puro Bonsai ang inaalagaan either pambenta and hobby nila nakakaexcite tingnan.Maraming salamat and God bless.

bambino2
02-18-2010, 12:28 AM
sir bambino anong kahoy po yung pinost nyo na malaking bonsai ni sir manglicmot? tingin ko po parang banate(murraya paniculata)local name dito sa panay island banate..

Bro tama ka. Murraya Paniculata nga at Kamuning ang tawag dito sa Manila.

bambino2
02-18-2010, 12:37 AM
Boss, Materials lang po sana and kung pwede po makuha number ni Mang Mel papunta sana ako this coming Sunday para makapagtanong sa Bantigue....Naiintindihan ko po mahirap talaga pag endangered species(dapat ingatan na natin para sa susunod na henerasyon)Dala lang po ng tukso na makahawak ng kakaiba kaya ko po nagagawa ito.Pagpasensiyahan ninyo na.

Anyway merong isang barangay dito sa Cavite na puro Bonsai ang inaalagaan either pambenta and hobby nila nakakaexcite tingnan.Maraming salamat and God bless.

Kung bantigue material na bagong hunting wala nang bagong dating. Bihira na rin kasi ang bumibili. Check mo na lang kung may makursunadahan ka.

jackal
02-18-2010, 12:51 AM
wow murraya pala talaga yang bonsai ni sir manglicmot nakakainspire talaga tignan ng mga gawa nya. wish someday makaapak din ako ng UP to see in person this specimen!sana makapagworkshop din ako with you guys in UP garden kahit 1 day manlang

Plankton
02-18-2010, 01:07 AM
Kung bantigue material na bagong hunting wala nang bagong dating. Bihira na rin kasi ang bumibili. Check mo na lang kung may makursunadahan ka.

A okay po,Maraming salamat.

cutestnurse
02-18-2010, 01:24 AM
meron bang worshop dito soon? gusto ko umattend. hehe

siopao
02-18-2010, 10:44 AM
sir baka pwede ako humiram sa fellow hobbyists ng books about bonsai on sat. photocopy ko lang po. puro hula *** *** ako sa pagwwire and styles ng bonsai. ko.hehe

thanks.

bambino2
02-18-2010, 11:40 AM
sir baka pwede ako humiram sa fellow hobbyists ng books about bonsai on sat. photocopy ko lang po. puro hula *** *** ako sa pagwwire and styles ng bonsai. ko.hehe

thanks.

Pwedeng pwede bro.

siopao
02-18-2010, 01:49 PM
Pwedeng pwede bro.

sir bambino san kayo punta on sat, cp garcia or kay mang modi? and what time?

Thanks.

DilimanBonsai
02-18-2010, 08:43 PM
mga sir gud eve sa lahat ng online sa usapang bonsai! newbie question lang po. me nakuha akong bantigue sa shorline namin dito sa panay island nung november pa ng 2009.ngayon po around 4 to 7 inches na ang haba ng mga bagong shoots nya approximately 3months planted. kelan ko po pwedeng iwire ang mga bago nyang sanga? nakuha ko po material na ito nung nagroad widening sa area na tinutubuan ng bantigue dito sa bayan namin kasi ang mga nascrape na lupa from the roadside bahagyang tumabon sa ilang bantigue na malapit sa kalsada kaya hinukay ko at inuwi kasi malamang mamatay lang din naman yun dun dahil sa lupang tumambak.

Pwede na po wire yan.. Wag nyo po diligan bago mag wire pra malambot ang sanga.. Pagtapos nyo na magwire diligan

DilimanBonsai
02-18-2010, 08:50 PM
Boss, Materials lang po sana and kung pwede po makuha number ni Mang Mel papunta sana ako this coming Sunday para makapagtanong sa Bantigue....Naiintindihan ko po mahirap talaga pag endangered species(dapat ingatan na natin para sa susunod na henerasyon)Dala lang po ng tukso na makahawak ng kakaiba kaya ko po nagagawa ito.Pagpasensiyahan ninyo na.

Anyway merong isang barangay dito sa Cavite na puro Bonsai ang inaalagaan either pambenta and hobby nila nakakaexcite tingnan.Maraming salamat and God bless.

Wala pa bago kuhang bantigue sa CP Garcia.. puro may tubo na po bantigue ni mang mel.. pm ko na lang po sayo no. ni mang mel.. maraming salamat po!

DilimanBonsai
02-18-2010, 08:56 PM
Boss, Materials lang po sana and kung pwede po makuha number ni Mang Mel papunta sana ako this coming Sunday para makapagtanong sa Bantigue....Naiintindihan ko po mahirap talaga pag endangered species(dapat ingatan na natin para sa susunod na henerasyon)Dala lang po ng tukso na makahawak ng kakaiba kaya ko po nagagawa ito.Pagpasensiyahan ninyo na.

Anyway merong isang barangay dito sa Cavite na puro Bonsai ang inaalagaan either pambenta and hobby nila nakakaexcite tingnan.Maraming salamat and God bless.

di pa po pla pwede magpm sa inyo.. post ko nlng dto.. di ko lang alam kung bawal mag post number dito.. pakialis na lang ng admin post ko kung bawal.. ito po number nya (Mang Mel 09192505567)

DilimanBonsai
02-18-2010, 09:01 PM
wow murraya pala talaga yang bonsai ni sir manglicmot nakakainspire talaga tignan ng mga gawa nya. wish someday makaapak din ako ng UP to see in person this specimen!sana makapagworkshop din ako with you guys in UP garden kahit 1 day manlang

Taga iloilo ka ba? si mang mel taga Ibajay Aklan.. marami agoho dyan pwede din ibonsai yun.

bambino2
02-18-2010, 11:13 PM
sir bambino san kayo punta on sat, cp garcia or kay mang modi? and what time?

Thanks.

Sa CP muna tapos direcho sa UP.

jackal
02-19-2010, 01:19 PM
[ taga iloilo ka ba? Si mang mel taga ibajay aklan.. Marami agoho dyan pwede din ibonsai yun.] yes sir diliman bonsai taga rito po ako iloilo.meron nga mga agoho rito mostly bandang aklan kaya lang mahirap buhayin pag medyo malaki na ang trunk..tips naman po kung paano ang tamang pag alaga ng agoho at sa tamang handling when i collect specimen from the wild..

jackal
02-19-2010, 01:21 PM

02-19-2010, 01:28 PM
Pwede na po wire yan.. Wag nyo po diligan bago mag wire pra malambot ang sanga.. Pagtapos nyo na magwire diligan

thanks sir more power po sa inyo

Butcho
02-19-2010, 04:07 PM
halu po sa lahat na mga enthusiast..ask ko lang po,meron ako nakuha na ficus material..hindi ko po alam kung anong klase..pwede po ba pa i.d?

Butcho
02-19-2010, 04:14 PM
dalaw po yung nakuha po...pero di ko po alam kung ano species..paki i.d nalang mga expert..salamat
http://i48.tinypic.com/2vss39d.jpg

http://i48.tinypic.com/2ho8ap3.jpg

bubutmd
02-19-2010, 10:46 PM
halu po sa lahat na mga enthusiast..ask ko lang po,meron ako nakuha na ficus material..hindi ko po alam kung anong klase..pwede po ba pa i.d?

Mukhang Ficus Retusa yan.Medyo malapad at malaki yung leaves ng bonsai mo.Kung makitid(narrow) at patulis kasi ang dahon ay ficus philippinensis .Tingin ko diyan sa specimen mo ay ficus retusa.^_^Ang ganda naman sir ng rock clasping style ng ficus niyo.Very beautiful with lots of potential!

DilimanBonsai
02-19-2010, 10:47 PM
[ taga iloilo ka ba? Si mang mel taga ibajay aklan.. Marami agoho dyan pwede din ibonsai yun.] yes sir diliman bonsai taga rito po ako iloilo.meron nga mga agoho rito mostly bandang aklan kaya lang mahirap buhayin pag medyo malaki na ang trunk..tips naman po kung paano ang tamang pag alaga ng agoho at sa tamang handling when i collect specimen from the wild..

ganito try mo pagkukuha ka agoho sa wild, tanim mo agad tapos dapat may titira ka dahon sa sanga wag mo uubusin dahon tapos lagay mo sa lilim at balutan mo lumang damit ang mismong puno.. un ang magpapanatili sa kanya na lagi basa pag nagdidilig ka.

DilimanBonsai
02-19-2010, 10:54 PM
dalaw po yung nakuha po...pero di ko po alam kung ano species..paki i.d nalang mga expert..salamat
http://i48.tinypic.com/2vss39d.jpg

http://i48.tinypic.com/2ho8ap3.jpg

unang pic na nasa bato.. ficus philipinesis po yan kasi matulis ang dahon.. ang pangalawa pic di ko po makilala kasi nakabaliktad ang dahon

jackal
02-20-2010, 02:08 PM
ganito try mo pagkukuha ka agoho sa wild, tanim mo agad tapos dapat may titira ka dahon sa sanga wag mo uubusin dahon tapos lagay mo sa lilim at balutan mo lumang damit ang mismong puno.. un ang magpapanatili sa kanya na lagi basa pag nagdidilig ka.

salamat po sa advice susubukan ko yan pag makapaghunt ako! more pwer..;)

Butcho
02-20-2010, 03:57 PM
samat po sa pag identify mga sir, baguhan lang po sa hobby na to..hindi ko rin alam ang mga sa species ng ficus, sa pagkaka-alam ko balite lang...meron lang po ako tanong, ano po ba itsura ng red balite?at saan po ba ma aquire yun?...napagkamalan ko kasi red balite ito,kasi nung nag defoliate ako nung unang tumubo yung dahon..kulay pula...

bubutmd
02-20-2010, 09:31 PM

Ang red balete sir 2 variety,Yung nasa thread ko sir na bonsai ni bubutmd yung variety na mas matingkad ang pagka red ng color ng leaves niya.Pero eventually nagiging green din ang color niya after 2 to 3 weeks.Sa mga plantshop na nagbebenta ng bonsai materials kayo maghanap ng red balete.Ako kasi sir sa Nature'sway plantshop sa greenbeltmall ako nabili ng bonsai collection ko.Minsan sa Manila seedling bank napunta din ako para bumili ng bonsai or bonsai materials.^_^
Ganyan talaga sir yang ficus sp. niyo,pag bagong sibol ang dahon medyo mapula.Ang red balete sir(ficus concina),maroon or dark red ang color ng bagong sibol na mga leaves niya.^_^

bambino2
02-21-2010, 05:46 AM
sir baka pwede ako humiram sa fellow hobbyists ng books about bonsai on sat. photocopy ko lang po. puro hula *** *** ako sa pagwwire and styles ng bonsai. ko.hehe

thanks.

Bro dala ko yung book nung sabado. Sayang di tayo nagkita. Mukhang nagka salisi tayo.

Janssen'ads
02-21-2010, 08:52 PM
ask ko lang sa mga nag bo2nsai hunting. pano kayo nakuha ng balete? pumuputol lang ba kayo ng branch? may nag sabi kasi sakin na kahit pumutol lang and itanim n mag kakaugat na. o kailangan pang i marcot? meron kasi dito sa harap namin may balete

bambino2
02-21-2010, 09:58 PM

Madali magugat ang balete. Putmutol ka *** maguugat na basta ilagay mo muna sa silong or ilalim ng puno ang mga tinanim mong cuttings dahil sobrang init ngayon saka mo na paarawan kapag marami ng tubo or sa tag-ulan pwede ng paarawan.

Janssen'ads
02-21-2010, 10:12 PM
ok po boss. kala ko mag hahagilap p ko meron pala sa harap namen d lang ako siguro familiar sa itsura. :) thanks i mamarcot ko sana yung boungainvilla . bumili n rin ako ng coconut fiber tama ba? yey balik bonsai ako

Janssen'ads
02-21-2010, 10:59 PM
mga boss ask ko lang kung pano ginagwa yunbonsai na nasa rock yung roots nya?

bambino2
02-21-2010, 11:14 PM
mga boss ask ko lang kung pano ginagwa yunbonsai na nasa rock yung roots nya?

Root over Rock Photo series (http://www.bonsai4me.com/AdvTech/ATRootoverrock.htm)

http://bonsaisite.com/root.html

http://www.bonsaiforbeginners.com/root-over-rock.html

jackal
02-21-2010, 11:32 PM
Root over Rock Photo series (http://www.bonsai4me.com/AdvTech/ATRootoverrock.htm)

http://bonsaisite.com/root.html

http://www.bonsaiforbeginners.com/root-over-rock.html

gud eve sir! saan po makakabili ng murang bonsai tools sa maynila?

bambino2
02-21-2010, 11:38 PM
gud eve sir! saan po makakabili ng murang bonsai tools sa maynila?

Walang murang bonsai tools. Harbest Bonsai sa Mandaluyong kumpleto. Kailangan pag-ipunan talaga ang bonsai tools. habang buhay mo naman gagamitin kaya siguradong masusulit.

jackal
02-21-2010, 11:39 PM
Root over Rock Photo series (http://www.bonsai4me.com/AdvTech/ATRootoverrock.htm)

http://bonsaisite.com/root.html

http://www.bonsaiforbeginners.com/root-over-rock.html

gud eve sir! saan po makakabili ng murang bonsai tools sa maynila?

bambino2
02-21-2010, 11:42 PM
Mga Bros nag-hunting sa Romblon si Kulot yung kapatid ni Mang Mel. Magaling rin mag-hunting yun. Sana quality ang mai-uwi niyang mga Bantigue at Alagaw.

Text ko siya bukas para humingi ng update tapos balitaan ko kayo.

Janssen'ads
02-21-2010, 11:43 PM
Thanks sir bambino2 :)

jackal
02-22-2010, 12:02 AM
gud eve sir! saan po makakabili ng murang bonsai tools sa maynila?

naku! naligaw yata ako ng tanong walang sumagot! sensya na po sa promdi na mahilig sa bonsai wala kasing mapagtanungan kung saan makakabili ng murang tools sa bonsai dyan sa maynila hehehe! kayo lang ang inaasahan ng probinsyano!:p

!

Janssen'ads
02-22-2010, 12:23 AM
baka tulog na? :)

Janssen'ads
02-22-2010, 12:25 AM
may isa p akong katanungan. nilalagyan nyo b ng fertilizer ang bonsai niyo? anung fertilizer yun and kung gano kadalas nyo gamitin?

graymann
02-22-2010, 10:03 AM
may isa p akong katanungan. nilalagyan nyo b ng fertilizer ang bonsai niyo? anung fertilizer yun and kung gano kadalas nyo gamitin?

oo sir nilalagyan ng fertilizer yan,kaylangan ng NPK . nilalagay ko 14-14-14 complete every week ang mga bonasi ko..para mabilis lumake at mag mature agad ang branch at mag green ang dahon.. try mo yan sir. at masisiyahan ka sa improvement ng halaman mo..

-NPK
> NITROGEN - para sa pagdami ng dahon at pag berde ng kulay
> PHOSPHORUS - para sa pag dami ng roots at fruits, maganda din sa flowering plants
> pottasium - para iwas sa sakit ang halaman

bambino2
02-22-2010, 12:27 PM
Walang murang bonsai tools. Harbest Bonsai sa Mandaluyong kumpleto. Kailangan pag-ipunan talaga ang bonsai tools. habang buhay mo naman gagamitin kaya siguradong masusulit.

Nagtext ako kay Kulot kanina. Kasalukuyan daw siyang naghuhukay :)

Janssen'ads
02-22-2010, 12:37 PM
oo sir nilalagyan ng fertilizer yan,kaylangan ng NPK . nilalagay ko 14-14-14 complete every week ang mga bonasi ko..para mabilis lumake at mag mature agad ang branch at mag green ang dahon.. try mo yan sir. at masisiyahan ka sa improvement ng halaman mo..

-NPK
> NITROGEN - para sa pagdami ng dahon at pag berde ng kulay
> PHOSPHORUS - para sa pag dami ng roots at fruits, maganda din sa flowering plants
> pottasium - para iwas sa sakit ang halaman

boss san ako mkaka hanap ng NPK? :)

ric2
02-22-2010, 02:06 PM
absent ako nung weekend... may dala ba si nonoy?

mukhang mganda mga dadalhin/hunting ni kulit ah.

abang nanaman sa materyales. hehehe

Janssen'ads
02-22-2010, 06:17 PM
boss ilang days po kaya bago mag ugat yung balete? :) exited n ko ehehe

jackal
02-22-2010, 07:36 PM
Walang murang bonsai tools. Harbest Bonsai sa Mandaluyong kumpleto. Kailangan pag-ipunan talaga ang bonsai tools. habang buhay mo naman gagamitin kaya siguradong masusulit.

hehe nagreply pala si sir bambino di ko nabasa.. sori medyo **** pa ako sa computer hehe..magtityaga nalang muna ako sa improvised tools.. thanks for the reply more power!!!!

thug
02-22-2010, 08:43 PM
Mga Bros nag-hunting sa Romblon si Kulot yung kapatid ni Mang Mel. Magaling rin mag-hunting yun. Sana quality ang mai-uwi niyang mga Bantigue at Alagaw.

Text ko siya bukas para humingi ng update tapos balitaan ko kayo.

ask ko lang po sir kung mga magkakno price ng materyales na nabibili nyo po?
any pics po para sa BIGNAY?may stock material po kasi me dito na bignay eh....more power po and godbless...

bambino2
02-22-2010, 10:07 PM
absent ako nung weekend... may dala ba si nonoy?

mukhang mganda mga dadalhin/hunting ni kulit ah.

abang nanaman sa materyales. hehehe

May dala si Nonoy nung Sabado pero mukhang mas maganda ang materyales na iuuwi ni kulot. Sana nga.

siopao
02-23-2010, 08:08 AM
Bro dala ko yung book nung sabado. Sayang di tayo nagkita. Mukhang nagka salisi tayo.

oo nga sir maaga daw kayo nagpunta nasa cp garcia, ako mga 10:30 doon then nagpunta kay mang modi ng 12:30 ata. nagkasalisi tayo.hehe. sorry sir next time na lang po sana. thanks.

siopao
02-23-2010, 08:16 AM
mga sir i need help...

pano ba mapipigilan ang sarili bumili ng bumili ng bonsai materials. kahit saan ako magpunta lagi ako napapabili kahit na sinasabi ko sa sarili ko na hindi na muna ako bibili.

hehehe...

graymann
02-23-2010, 08:37 AM
boss san ako mkaka hanap ng NPK? :)

sir kahit saang garden store meron yan.. sabihin mo lang complete fertilizer..

Plankton
02-23-2010, 12:16 PM
ask ko lang po sir kung mga magkakno price ng materyales na nabibili nyo po?
any pics po para sa BIGNAY?may stock material po kasi me dito na bignay eh....more power po and godbless...

Bro pede bang bumili sa iyo ng bignay?saan ba location mo?***

thug
02-23-2010, 02:06 PM
Bro pede bang bumili sa iyo ng bignay?saan ba location mo?***

olongapo po ako sir....tatlo nlang po yung bignay namin dito kaso nga lang po eh wala me idea kung anong magandang style ang gagawin ko po dito sa materials

Janssen'ads
02-23-2010, 04:23 PM
ask ko lang kung kelan ko lalagyan ng fertilizer yung balete? wala pa syang roots ee

bambino2
02-23-2010, 05:44 PM
mga sir i need help...

pano ba mapipigilan ang sarili bumili ng bumili ng bonsai materials. kahit saan ako magpunta lagi ako napapabili kahit na sinasabi ko sa sarili ko na hindi na muna ako bibili.

hehehe...

Bro yan ang ingatan mo. Sa bonsai community dito sa pilipinas, ang tawag nila diyan ay "Nilalagnat" meaning nilalagnat pa sa pagbili :) Yung mga nagnenegosyo sa bonsai, agad nilang nararamdaman iyan at alam nilang kapag Nililagnat ang isang baguhan sa hobby ay kayang kaya nilang bentahan ng mahal or pangit na bonsai. Proven na yan bro kaya mag-ingat ka.

I suggest na dumikit sa matitinong mahilig sa bonsai yung hindi pinagkikitaan ang bonsai para may pipigil sa iyo or may titingin sa mga binibili mo kung maganda o hindi. Iwasan lumakad ng mag-isa sa mga bonsai related na lugar :) Kapag napapansin mo nang nilalagnat ka na naman ay pigilan ang sarili at magdasal para ilayo ka sa tukso :)

bambino2
02-23-2010, 06:31 PM
ask ko lang kung kelan ko lalagyan ng fertilizer yung balete? wala pa syang roots ee

Wag ka munang mag-fertilizer. Pa-abutin mo muna ng 6 months to 1 year para mag-kaidad muna ang ugat bago ka gumamit ng fertilizer.

Taga saan ka ba bro? Meron akong cuttings ng super red balete bigyan na lang kita ng isa :) Tatlo lang kasi :) May ugat na. Mas maganda kung black volcanic rock or limestone ang gagamitin mong bato para maganda.

800 limestone na malaki (pwedeng makahanap ng mura and mas maliit)
300 to 500 flat na paso
libreng super red balete cutting

Yun ang investment mo pati tubig pang dilig at habang buhay mo na mae-enjoy.

Janssen'ads
02-23-2010, 06:38 PM
Zapote,Las Pinas ako bro malapit k lang ba dito? ano yung sinasabi mong stones. decorations?

Janssen'ads
02-23-2010, 06:45 PM
san rin ako makaka bili ng flat na paso? mhal din pala ang mga paso :) teka upload ko lang yung sakin

Janssen'ads
02-23-2010, 06:55 PM
http://photos-e.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs501.snc3/26356_108639789148698_100000080331931_239189_60659 33_n.jpg

eto po yung balete na naicut ko. nilagay ko lang siya sa paso.pwede naba yan?

http://photos-b.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash1/hs481.ash1/26356_108639792482031_100000080331931_239190_54534 28_n.jpg

http://photos-h.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash1/hs481.ash1/26356_108639795815364_100000080331931_239191_16995 94_n.jpg

sinubukan ko rin yung ganitong method. para makasigurado akong mag ka ugat :)

Janssen'ads
02-23-2010, 06:57 PM
http://photos-c.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs501.snc3/26356_108639785815365_100000080331931_239188_59132 12_n.jpg

pa ID naman po. nakita ko lang ito sa may Philam Park. isa sa mga nakita kong magagandang binibenta. P200 Up ang price >,<

DilimanBonsai
02-23-2010, 07:34 PM
Mga Bros nag-hunting sa Romblon si Kulot yung kapatid ni Mang Mel. Magaling rin mag-hunting yun. Sana quality ang mai-uwi niyang mga Bantigue at Alagaw.

Text ko siya bukas para humingi ng update tapos balitaan ko kayo.

icorrect ko lang po sir bambino.. di po magkapatid si mang mel at kulot.. si mang mel po nagturo kay kulot mag bonsai, di po sila magkamag anak.

tama po nag hunting po si kulot sa romblon.. tatlo klase materyales po makukuha dun.. bantigue, alagaw at kamagong.. baka sa saturday pa daw uwi nya.

Janssen'ads
02-23-2010, 08:39 PM
nkakainggit naman kayo. pa hunting hunting nalang :) sana malapit ako jan para makasama ako minsan.

bambino2
02-23-2010, 11:22 PM
icorrect ko lang po sir bambino.. di po magkapatid si mang mel at kulot.. si mang mel po nagturo kay kulot mag bonsai, di po sila magkamag anak.

tama po nag hunting po si kulot sa romblon.. tatlo klase materyales po makukuha dun.. bantigue, alagaw at kamagong.. baka sa saturday pa daw uwi nya.

Bakit kuya ang tawag ni Kulot kay Mang Mel. Dati nung bago pa lang akong pumupunta sa CP may nagsabi sa akin na magkapatid raw silang dalawa?

Ang tagal naman ng hunting niya baka isang jeep ang maiuwi niya sa sabado?

bambino2
02-23-2010, 11:24 PM
Zapote,Las Pinas ako bro malapit k lang ba dito? ano yung sinasabi mong stones. decorations?

Ang balita ko sa may Zapote Road raw may mabibilhan ng magagandang limestone.

QC ako bro.

Janssen'ads
02-24-2010, 08:10 AM
mukhang malayo QC sa zapote aa. pano ko kaya makuha yang balete mo. student lang kasi ako eeh

bambino2
02-24-2010, 10:23 AM
mukhang malayo QC sa zapote aa. pano ko kaya makuha yang balete mo. student lang kasi ako eeh

Medyo malayo nga mas mahal pa ang pamasahe or gasolina sa cuttings na ibibigay ko sa iyo.

Kung desido ka talagang matuto sa bonsai, i-set mo at pumasyal ka isang Saturday ng 10 am sa UP Bonsai garden para makakita ka ng mga malalaking bonsai. Maraming kang matutunan doon lahat ng gusto ong matutunan itanong mo lang kay Sir Modi sasagutin niya lahat.

Janssen'ads
02-24-2010, 01:12 PM
kaya nga ehh gusto ko pumunta. pero baka maligaw lang ako jan

DilimanBonsai
02-24-2010, 02:56 PM
Bakit kuya ang tawag ni Kulot kay Mang Mel. Dati nung bago pa lang akong pumupunta sa CP may nagsabi sa akin na magkapatid raw silang dalawa?

Ang tagal naman ng hunting niya baka isang jeep ang maiuwi niya sa sabado?

kaya po kuya tawag ni kulot kay mang mel kasi naging alalay o boy ni mang mel yun.. tapos tinuturuan ni mang mel mag bonsai hanggang sa natuto.. ngayon marunong na sya, may sarili narin sya mga bonsai

natatagalan sya kasi di sya masamahan kumuha ng bantigue nung kakilala nya na taga roon kasi bawal nga.. ehh may trabaho kakilala nya.

cutestnurse
02-24-2010, 03:22 PM
naku sana may materyales na bantigue on saturday. gusto ko pa naman yun.

silver
02-24-2010, 04:18 PM
good day to all!

reviewing the last few pages of this thread, it came clear that there are users of the forum who dont post at the fish fora and post solely at this thread.

please be reminded that this forum is dedicated for fishkeepers and this section was created for aquarists who are also into other hobbies like bonsai keeping.

having stated such, it is apparent that for you to continue using the forum, majority of your posts should be on fish topics.

for everyone's reference, kindly read this: http://www.mypalhs.com/forums/showthread.php?t=92331

please comply. thanks a lot

bambino2
02-24-2010, 10:39 PM

Hi there mod!

Mga fishkeepers rin ang mga yan and we often talk about fishes everytime we meet. Yung iba bago lang kasi gumagamit ng forum at niyaya ko sila dito sa PALHS.

Plankton
02-24-2010, 10:50 PM
olongapo po ako sir....tatlo nlang po yung bignay namin dito kaso nga lang po eh wala me idea kung anong magandang style ang gagawin ko po dito sa materials

A okay, layo po pala sana makapunta kayo sa Diliman Bonsai.Mababait ang tao doon:)

bambino2
02-25-2010, 12:11 AM
Shohin Bonsai Demonstration by Graham Potter (http://www.youtube.com/watch?v=yrk0T4_57uI)

Butcho
02-25-2010, 09:07 PM
Good day po sa lahat na mga enthusiast..share ko lang yamadori ko..di ko pa maisip ano dapat style nito..comment & suggestion welcome po...
http://i48.tinypic.com/x1d0ly.jpg

jackal
02-26-2010, 08:38 PM
any advice po sa dormant bantigue na nerescue namin ng matabunan ng lupa nung nagwidening sa area namin..ist week pa ng november namin ito nahukay pero 1inch parin ang haba ng new shoots.unlike sa dalawang kasama nitong narescue din at the same place and same time na aruond 8 to 10 inches na ang shoots..nasa lilim po nakaposition itong dormant material na bantigue! ano po ang magandang gawin or iaplly to boost its growth..help po mga masters! your advice will be greatly apreciated salamat in advance

jackal
02-26-2010, 08:42 PM
syangapala we ilongos are happy for having our first FLOWER HORN SHOW ngayon dito sa iloilo city!maligaya ang mga mag iisda ngayon dito sa kabila ng el nino ay natuloy parin!

DilimanBonsai
02-27-2010, 07:16 PM
any advice po sa dormant bantigue na nerescue namin ng matabunan ng lupa nung nagwidening sa area namin..ist week pa ng november namin ito nahukay pero 1inch parin ang haba ng new shoots.unlike sa dalawang kasama nitong narescue din at the same place and same time na aruond 8 to 10 inches na ang shoots..nasa lilim po nakaposition itong dormant material na bantigue! ano po ang magandang gawin or iaplly to boost its growth..help po mga masters! your advice will be greatly apreciated salamat in advance

di dormant yan.. baka nagalaw yan.. yan ang dapat iwasan natin sa pagbubuhay nang mga halaman, ang magalaw.. try mo gawin to.. talian mo sya sa pinagtaniman mo.. tapos diligan mo lang hormex every 3 day.. pag wala nagbago.. sorry to say, wala na tayo magagawa dyan.

jackal
02-27-2010, 09:53 PM

lahat po ng material ko nakatali kahit hindi bantigue basta newly planted material itinatali ko po sir to avoid na magalaw ang trunk..ano po ang best time to apply ANAA.morning po or afternoon.waLA po kasing mabilhan ng hormex dito sa amin..thanks po ulit sir hang gang sa uulitin.;)

DilimanBonsai
02-27-2010, 11:36 PM
lahat po ng material ko nakatali kahit hindi bantigue basta newly planted material itinatali ko po sir to avoid na magalaw ang trunk..ano po ang best time to apply ANAA.morning po or afternoon.waLA po kasing mabilhan ng hormex dito sa amin..thanks po ulit sir hang gang sa uulitin.;)

pwede morning, pwede rin sa afternoon.. kailangan lang kasi patagalin mo sya bago mo diligan ng tubig ang halaman kasi sayang naman kung ilang oras lang didiligan mo rin agad nang tubig, mawawalan rin sya nang effect kasi maaagos nang tubig.. kami kasi dito sa hapon naglalagay para kinabukasan na kami magdidilig ng tubig sa umaga. kasi madalas kami nagdidilig ng tubig ngayon kasi sobra init nang panahon.

jackal
02-27-2010, 11:49 PM

thanks a lot po sir sa walang sawang pagreply sa mga questions ko about bantigue..hoping to see u in UP. if i got a chance na makapunta ng maynila..more power po sa inyo.

efilnikcufecin
02-28-2010, 08:33 PM
lungkot naman ng thread na to ngayon asan na kaya ang mga forumer?

Xaph
03-02-2010, 10:42 AM
mga sir, noob lang po ako dito, tanung ko lang po sana kung san maganda makapamili ng bonsai sa manila? i'm planning po kasi to visit manila this coming 15th. limited lang po kasi choices ng bonsai dito sa baguio.. i'm planning po to buy japanese maple at bantigue po sana... pati na rin po sana mga bonsai pots... :D

ric2
03-02-2010, 07:28 PM

sa c.p garcia "u.p. diliman bonsai society" halos tapat siya ng math building ng u.p. ka na dumeretcho look for mang mel.... japanese maple mukhang mahirap mag hanap....try mo narin dumaan ng tarlac on your way home... madami din bonsai dun along the road lang.

thug
03-02-2010, 09:16 PM

saan po banda sa tarlac makakapamili ng bonsai materials sir....matagal ko na pong gustong pumunta doon eh kaso hindi ko alam exact na bayan kung saan po....B)